Solo lead habol ng DLSU Lady Spikers vs UP Lady Maroons | Bandera

Solo lead habol ng DLSU Lady Spikers vs UP Lady Maroons

Angelito Oredo |February 06,2016
facebook
share this

Solo lead habol ng DLSU Lady Spikers vs UP Lady Maroons

Angelito Oredo - February 06, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Philsports Arena)
8 a.m. Adamson vs UE (men)
10 a.m. FEU vs Ateneo (men)
2 p.m. UP vs La Salle (women)
4 p.m. NU vs Adamson (women)
Team Standings: Ateneo (1-0); UP (1-0); La Salle (1-0); Adamson (1-0); UST (0-1); FEU (0-1); UE (0-1); NU (0-1)

PILIT gagawa ng sariling kasaysayan ang University of the Philippines sa pagharap nito sa matinding pagsubok kontra sa De La Salle University sa inaasahang eksplosibong sagupaan para sa pagkapit sa liderato sa papainit na UAAP Season 78 women’s volleyball tournament ngayon  sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hindi pa nagwawagi ang UP women’s team sa nakalipas na taon sa pakikipagharap nito sa DLSU Lady Spikers na pilit nitong gagawin dakong alas-2 ng hapon.

Pipilitin din ng Adamson University na makisalo sa itaas sa pag-asam sa ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa National University sa unang laro sa  ganap na alas-4 ng hapon.

Agad nagpakita ng bangis ang mga beteranong sina Nicole Tiamzon, Kathy Bersola at Marian Buitre kasama ang mga baguhan na sina Isa Molde, Justine Dorog at Diana Carlos upang mapalakas ang hangarin ng Lady Maroons na makatuntong ngayong taon sa inaasam na Final Four.

Matatandaang tinalo ng UP ang University of the East sa loob lamang ng tatlong set, 25-20, 25-13, 25-21, sa pagbubukas ng torneo noong Linggo.

Subalit kontra sa regular na tumatapak sa Final Four na Lady Spikers, umaasa si Lady Maroons coach Jerry Yee na kailangan ng kanyang mga baguhan na makapag-adjust sa kanilang laro kung nais mismo ng Diliman-based spikers na makaigpaw sa matagal nitong pagyukod sa Taft-based na koponan.

“Against La Salle, hindi puwede kaming maraming service errors and we have to execute well,” sabi ni Yee.

Agad naman ipinakita ng Lady Spikers na isa pa rin ito sa powerhouse sa liga.

Agad na isinelebra ng La Salle ang pagbabalik ng dating MVP na si Ara Galang sa paghugot ng straight set na panalo, 29-27, 25-23, 25-20, kontra sa Far Eastern University noong Miyerkules.

Maliban kay Galang, na may 10 puntos at limang digs sa kanyang unang laro matapos ang mahigit isang taon na pagpahinga dahil sa tinamong knee injury, nagpamalas din ng husay sina Mika Reyes, Carol Cerveza, Majoy Baron, Christine Soyud at rookie May Luna para sa Lady Spikers.

“We have to lessen our errors,” sabi ni La Salle assistant coach Benson Bocboc.

Sinimulan naman ng Lady Falcons ang kampanya sa  limang set na panalo, 25-22, 25-21, 20-25, 28-30, 16-14, kontra University of Santo Tomas noong Miyerkules habang asam ng Lady Bulldogs na umahon sa nalasap na tatlong set na kabiguan, 21-25, 19-25, 14-25, sa nagtatanggol na kampeon Ateneo de Manila University.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, paglalabanan ng men’s titleholder Ateneo at FEU ang solong liderato sa ganap na alas-10 ng umaga matapos ang sagupaan ng Adamson at UE sa ganap na alas-8 ng umaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending