Babae patay sa suffocation sa nasunog na unit sa Moonwalk Parañaque City | Bandera

Babae patay sa suffocation sa nasunog na unit sa Moonwalk Parañaque City

Ricky Brosas - February 02, 2016 - 03:32 PM

paranaque
Nasawi ang isang babae na residente ng Berlin Building, Kassel Residences sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Ang biktimang kinilalang si Roleyne Acloan, 34 anyos ay residente sa itaas na unit ng unit 403 kaya labis itong naapektuhan ng usok nang sumiklab ang apoy. Ang unit 403 ay nasunog habang nagtatago sa loob nito ang dalawang suspek sa robbery.

Ayon kay Supt. Ariel Andrade ng Parañaque City Police, sadyang sinunog ng mga suspek ang nasabing unit para sila ay makatakas.

Ginagalugad ng mga pulis ang buong Berlin Building sa hinalang hindi pa nakakalayo sa lugar ang mga suspek.

Ayon kay Andrade, naisugod pa sa ospital si Acloan pero binawian din ito ng buhay.

Nailikas din sa nasabing gusali ang dalawang bata at isang pulis na pawang dinala sa pagamutan dahil sa pagkakalanghap ng usok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending