Kama nasunog; 2 patay | Bandera

Kama nasunog; 2 patay

John Roson |January 31,2016
facebook
share this

Kama nasunog; 2 patay

John Roson - January 31, 2016 - 05:02 PM

quezonDalawang babae ang natagpuang patay matapos na masunog ang hinigaan nilang kama, sa Lucena City, Quezon, kahapon, ayon sa pulisya.

Nadiskubre na lang na walang buhay at bahagyang sunog ang katawan nina Christine Jacela, 25, at Chris Elaine Jacela Galvez, 9, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Natagpuan ang dalawa dakong alas-5 ng umaga sa kanilang silid sa unang palapag ng bahay ni Elena Jacela sa Purok 5, Brgy. Dalahican.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-umpisa ang ang apoy sa laundry basket at kumalat patungo sa hinihigaan ng mga biktima.

Sinabi sa pulisya ni Elena Jacela, ina ni Christine, na bago ang insidente’y dumating ang kanyang anak na naninigarilyo.

Hindi pinansin ng ginang ang paninigarilyo ng anak at umakyat na para matulog, hanggang sa madiskubre na lang kinaumagahan ang sunog sa silid nito, ayon sa ulat.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya ay walang nakitang tanda ng “foul play” sa pinangyarihan.

Ipina-awtopsiya na ang bangkay ng mga nasawi para malaman ang sanhi ng pagkamatay. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending