Comelec in-exempt ang mga mambabatas mula sa gun ban
IN-EXEMPT ng Commission on Elections (Comelec) ang mga senador at mga kongresista na tumatakbo sa eleksyon sa Mayo mula sa ipinapatupad na gun ban.
Sa isang resolusyon, inamyendahan ng Comelec ang naunang kautusan na tanging ang mga mambabatas lamang na hindi tumakbo ang maaaring magdala ng baril.
Kinonsidera ng poll body ang opinyon ni Comelec law department acting director Maria Norina Tangaro-Casingal na nananatili pa rin ang mga mambabatas na matataas na halal na opisyal bilang kasalukuyang miyembro ng Kamara at Senado.
Idinagdag ni Tangaro-Casingal na bagamat naghain ang mga mambabatas ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC), hindi naman sila nagbitiw sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.