Si Angel ang may diperensya kaya iniwan ni Luis;hindi na nakatagal | Bandera

Si Angel ang may diperensya kaya iniwan ni Luis;hindi na nakatagal

Cristy Fermin - January 30, 2016 - 03:00 AM

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

NAGAGALIT ang mga fans ni Angel Locsin, bakit daw kasi pinangungunahan ng mga reporters ang pakikipagrelasyon ng kanilang idolo, lagi raw tuloy nauudlot ‘yun at nauuwi sa hiwalayan.

Nakakalokang akusasyon dahil ano naman ang kinalaman ng mga manunulat sa lovelife ni Angel Locsin, makakaya bang panghimasukan ‘yun ng mga reporters, siya ang mayhawak ng manibela ng kanyang buhay.

Dumating ang kuwento, lumaganap ang balita ng paghihiwalay nila ni Luis Manzano, alangan namang tumunganga lang ang mga manunulat kapag nakasubo na sa kanila ang mga detalye ng hiwalayan?

Ang dapat nilang itanong ay bakit nga ba nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng aktor-TV host, malinaw ang lumabas na detalye, si Luis ang nakipaghiwalay kay Angel.

Ang dapat alamin ng mga tagahanga ng aktres ay kung bakit ang lalaki ang nakipaghiwalay sa kanilang idolo, ano ba ang mga bagay-bagay na nadiskubre nito, bakit hindi pinanghinayangan ng aktor ang dalawang taon nilang relasyon?

‘Yun ang dapat sentruhan ng mga fans ni Angel, huwag nilang ibato sa mga manunulat ang paglabas ng kuwento ng hiwalayan, may nangyari talaga kaya pinagpipistahan ang balita.

Kung maaayos pa nila ang kanilang problema ay mas maganda, makababawi pa naman sila sa mga nasayang na panahon, pero kung hindi na matatagpian pa ang kanilang hidwaan ay kailangang tanggapin ng lahat na hanggang du’n na lang talaga ang kuwento ng kanilang pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending