Jake ‘naninigas’ pag ka-lovescene si Arci: Kaya kambyo control na lang!
AMINADO ang members ng cast ng Primetime Bida series na Pasion de Amor na nagkakaroon talaga ng sexual tension sa set kapag kinukunan na ang mga intimate scenes nila sa serye.
Diretsong sinabi ng lead star ng Pasion de Amor na si Jake Cuenca na tinatamaan din siya kapag ginagawa na nila ni Arci Muñoz ang kanilang kissing scene at love scene. Kaya natanong siya kung paano niya kinokontrol ang kanyang sarili.
“How do I control? Kambyo control, segunda mano o tersera. Ha-hahaha! May moments kasi talaga na nalu-loose mo ‘yung control kaya nagiging iba ‘yung kissing scenes na ‘yan,” ang pagtatapat ni Jake sa thanksgiving presscon ng Pasion de Amor na extended na naman ng isang buwan.
Makatotohanan kasi ang mga eksena sa Pasion de Amor kaya isa ito sa dahilan kung bakit mataas ang ratings game at inabot na sila ng siyam na buwan. Dagdag ni Jake, “Kahit hindi kami maghubad, pero nakikita n’yo na sexy ang eksena kasi feeling ko na-lose mo ‘yung control at one point kaya parang totoong-totoo na ‘yung eksena.
“Sa mga eksena namin ni Arci kailangang mag-work talaga kaya kapag kaeksena ko siya, nabibighani ako sa kagandahan niya, may halong kaba ‘yun, may halong oportunidad na mahahalikan ko ang kaeksena ko,” aniya pa.
Komento naman ni Arci, “Siguro kaya maganda ‘yung mga lumalabas na eksena namin kasi nalalagyan ng katotohanan, pero wala namang malisya, pero okay lang kasi guwapo naman si Cuenkers, maganda ang katawan, pag nahawakan mo ang abs niya (sabay hawak sa tiyan ng aktor).”
Hindi ba siya na-attract kay Jake? “Guwapo naman si Cuenkers at sobrang bait, ano kasi kami, eh brothers kami. Pero malay mo di ba, isang buwan pa ‘yung Pasion, malay mo may sunod na project pa kami ni Jake.”
Hanggang Peb. 26 pa ang Pasion de Amor at very proud na ipinagmamalaki ni direk Ruel Bayani na ni minsan ay hindi sila ipinatawag ng MTRCB dahil alam nilang kontrolin ang mga eksenang hindi puwedeng ipalabas sa kanilang timeslot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.