Poe: hindi ko tatay si Cardinal Sin | Bandera

Poe: hindi ko tatay si Cardinal Sin

Leifbilly Begas - January 28, 2016 - 05:25 PM

poe-12022015-e1449030456512
Itinanggi ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe ang isa sa mga haka-haka na siya ay anak ng namayapang si Jaime Cardinal Sin.
“Sobra naman yan blasphemous na yan sa memory ni Cardinal Sin,” ani Poe sa pagharap niya sa #MeetInquirer kahapon.
“Hindi ko naman kamukha si Cardinal Sin so parang, mukhang out na yun,” dagdag pa ng senadora. “Mukha namang hindi ko siya tatay, hindi naman niya ako binubuhat or anything.”
Si Sin ang pari sa simbahan sa Jaro, Iloilo kung saan sinasabing naiwan at napulot ang sanggol na si Poe.
Siya rin ang nagbinyag dito ng ampunin ni Fernando Poe Jr., at Susan Roces.
Naiuugnay din ni Poe sa pamilya Ledesma ng Bacolod pero ayaw na niyang kaladkarin ang mga ito sa kontrobersya ng kanyang pagiging foundling.
“I always say kung sino man silang mga kadugo ko ang hinihiling ko lang naman sa Diyos ay maging disente at mga mabubuting tao sila… and thats all that I can ask for.”
Samantala, itinanggi naman ni Poe na siya ang nagpahukay sa mga ipinapalagay na mga magulang niya sa Guimaras.
Pero inako niya ang responsibilidad dito dahil nagbigay umano siya ng blanket authority sa kanyang staff at abugado na nais mapatunayan na siya ay Filipino.
Ang pamilya umano ni Victoria Rodriguez at dalawang iba pa ang nagnais na mahukay ang mga labi sa East Valencia cemetery sa bayan ng Buenavista.
“I learned through media that they exhumed the bodies I was horrified that they did it. I am sorry but I did not give the go signal for them to do it. Everybody can attest to it,” ani Poe. “It was the family that actually went forward and asked for this because they felt that it is the best way they can help and I am truly grateful.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending