Kung hindi siya, sino ang gustong maging pangulo ni Grace Poe?
Leifbilly Begas - Bandera January 28, 2016 - 03:55 PM
Sino ba ang gustong maging pangulo ni Sen. Grace Poe kung hindi siya makatatakbo o hindi mananalo?
Sa kanyang pagharap sa #MeetInquirer kahapon ay natanong ito.
Pero tumanggi na si Poe na sagutin pa at baka tumulong pa umano ito para siya ay hindi makatakbo.
“Huwag ko nalang sagutin yan kasi parang endorsement na yan baka mamaya kung sino man yung banggitin ko eh tumulong pa para maalis ako,” ani Poe.
Umaasa si Poe na kakatigan siya ng Korte Suprema at makatatakbo sa nalalapit na halalan.
“I remain hopeful and very positive that we have offered to the SC the truth and also that we have a very viable legal standing,” ani Poe na nagsabi na igagalang ang magiging desisyon ng Korte Suprema at gagamitin ang lahat ng legal na paraan para manalo sa kaso.
Kaugnay naman ng mga donasyong natatanggap para sa pagpapagulong ng kanyang pagtakbo, sinabi ni Poe na wala siyang ipinapangakong pabor sa mga ito kung siya ay maluluklok sa Malacanang.
“The real issue about campaign donation is that people are worried that if somebody donates to you, then you would be beholden to them,” ani Poe. “I made it clear to many of the donors, even in 2013, I asked them what do you think is better for our country? What can we do to improve our country, some of them are successful businessmen etc., and believe it or not all of them would just asked for one thing— a level playing field. And that is what I promised everyone, that i can promise you.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending