Heto pa bossing Ervin, pagkatapos ng presscon ng “The Strangers” ay niyakap din kami ng napakahigpit ni Enchong Dee at bumulong ng, “Ate, alam mo naman di ba? Hayaan na,” na ang tinutukoy ay ang paghihiwalay nila ni Julia Montes.
Tinanong kasi ang aktor tungkol sa hiwalayan nila ni Julia pero malabo ang sagot niya, “Actually, wala naman pong hiwalayan kasi wala pa naman, hindi lang kami nagkikita at nagkakausap, kasi ngayon lang kami talaga nagkita kasi kadarating lang niya galing Europe.”
Pero marami pala ang nakapansin na tila hindi okay ang dalawa dahil bagama’t magkatabi ay halatang iniiwas nilang magkadikit man lang ang kanilang mga braso.
At dahil inunahan na kami ng lambing ng binata ay hindi na namin nagawang kulitin siya about his lovelife, ang pinag-usapan na lang namin ay ang tungkol sa ipinagagawa niyang building na supposedly ay hanggang 5th floor pero apat na palapag. “Ang mahal kasi, hindi na kinaya ng budget ko, kaya nag-iipon pa, magpapayaman pa,” nakangiting sabi ni Enchong.
Nasa finishing na raw ang apat na palapag na gusaling ipinatatayo niya sa Quezon City na magsisilbing tirahan at paupahan nilang pamilya dahil dito na sila permanenteng maninirahan.
Ibinenta na raw kasi ng pamilya Dee ang farm nila sa Bicol, “Naiwan naman ‘yung bahay namin doon at pinapaupahan.
Dito na kasi kaming lahat, ayaw naming mahiwa-hiwalay.”
Samantala, first time palang mapasama ni Enchong sa pelikulang kasama sa MMFF kaya naman pinagbuti raw niya ang role niya sa pelikula dahil inamin niyang kailangan niyang makipag-kumpetisyon sa mga artistang may entry din sa 2012 Metro Manila Film Festival.
“Nabuhay ako for the longest time na may kumpetisyon sa buhay ko.
It’s a fun competition, And I’m very, very happy na this year ang kumpetisyon na sasalihan ko sa filmfest ay very competent and quality wise, ang ganda.
“So to be part of very competent line-up of movies, masaya na ako at itong pelikula naming ‘The Strangers’, kayang makipagsabayan talaga,” pahayang ni Enchong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.