Heavy traffic sa Cebu City dahil sa road closures para sa IEC | Bandera

Heavy traffic sa Cebu City dahil sa road closures para sa IEC

- January 26, 2016 - 02:50 PM

MABIGAT na daloy ng trapiko ang patuloy na nararanasan sa Cebu City simula alas-5 umaga pa lang matapos isara ang Pope John Paul II st. para sa mga delagado ng International Eucharistic Congress na papunta sa IEC Pavilion.

Bagamat, binuksan muli ang mga kalsada ganap na alas-10 ng umaga, lalo pang nakapagpalala ng trapik ang naranasang mga pag-ulan sa kahabaan ng M. Cuenco ave. mula  Barangay Banilad hanggang Barangay Talamban malapit sa University of San Carlos.

Napilitan ang mga motorista na bagalan ang pagpapatakbo dahil sa mga basang kalye at mga pagbaha sa  Cardinal Rosales ave., sabi ni Joy Tumulak, operations head ng Cebu City Traffic Office (CCTO).

“We are asking the motorists to use alternative roads if possible and to further increase their patience,” sabi ni Tumulak.

Aniya, nagpakalat naman ng 30 enforcers para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko.

Inaasahan namang lalala pa ang lagay ng trapiko simula alas-5 ng hapon dahil nakatakdang isara ang Pope John Paul st. pata sa mga delegado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending