Claudine, Raymart pinuri sa pagiging mabuting magulang
Mga anak kadalasan ang nagiging dahilan kung bakit magkaroon man nang matinding problema ang mag-asawa ay napipilitan silang gumawa ng paraan para magkasundo kahit bilang magkaibigan na lang.
Ganu’n mismo ang nangyari kina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Pagkatapos nang ilang taon nilang pagdedemandahan ay nagising na lang sila isang araw na kailangan nilang isantabi ang mga personal nilang interers para sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Napakalalim ng pinanggalingan ng kanilang pagkakasundo, pinagpistahan ang kanilang personal na buhay at nauwi pa ‘yun sa asuntuhan, pero kapag mga bata na ang nakasalalay ay handang magbigay-daan ang mga magulang.
Ngayon ay malaya nang nahihiram ni Raymart ang kanilang mga anak ni Claudine, nakapag-uusap na rin sila nang maayos, lahat ng ‘yun ay ginagawa nila para sa kanilang mga anak.
Maaliwalas na ang mundo ngayon ni Claudine, nagtatrabaho na uli siya, pinupuri ng produksiyon ng TV5 at ng Viva Entertainment ang kanyang propesyonalismo.
Bumibida siya ngayon sa teledrama series na Bakit Manipis Ang Ulap? kasama sina Cesar Montano at Diether Ocampo sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan.
Sa February 15 nang gabi ay mapapanood ang isang oras na primer ng teledrama, ayon sa mga kasamahan namin sa TV5 ay kaabang-abang ang seryeng ito, lalo na ang pagbabalik ni Claudine Barretto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.