Horoscope, January 15, 2016 | Bandera

Horoscope, January 15, 2016

Madam Sophia - January 15, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tuwing madaling araw palamig nang palamig ang panahon, pero patuloy naman ang pag-init ng relasyon sa isang Virgo. Sa pinansyal, habang maikli ang kumot ay matutong mamaluktot. Magtipid at dapat na hindi maging magastos. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) —Sa taong ito, upang mas madaling umunlad, isagawa na agad ang malawakang pag-iipon at pagtitipid. Sa pag-ibig, hindi naman dapat na tipirin ang minamahal dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) —Sa taong ito ng 2016 ay i-prioritize ang pagpapaganda at kalusugan upang maiwasan ang pagkakasakit. Sa pag ibig, sa malusog na pangangatawan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Panahon na upang lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig, kung hindi man kayo magkita ng personal, i-text lagi ang minamahal. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” White at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) —Masosolusyunan ang problema kung lalapit sa kaibigang Capricorn. Sa pinansiyal, isang Capricorn din ang mauutangan! Sa pag-ibig, bagamat okay ang isang Capricorn, mas higit kang kikiligin sa isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Wag maging mapaglaro sa pag-ibig upang hindi ka rin laruin ng kapalaran. Ang pagiging tapat ay nagbubunga ng kaligayahan habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay magdudulot ng pagyaman. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om.” Gray at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa taong ito ng 2016, laging maging tapat sa kausap upang mas kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong maangas. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Yellow at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito ng 2016, hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat ay may malaking problemang makakaharap. Sa pag-ibig, wag agad papatol sa isang imoral na relasyon. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Magiging maunlad ang taong ito kung papalitan na ang lumang kurtina o pintura ng dingding sa inyong bahay. Pink at iba pang shade of red ang magdadala ng buenas sa pananalapi at sa masarap na karanasan sa pag-ibig. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mahirap mawalay sa minamahal ngunit kailangan mong gawin para umunlad ang buhay. Sa muli n’yong pagkikita ay may napakasarap na romansang matitikman. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Purple at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taong ito ng 2016 umpisahan mong palaguin ang kabuhayan at lalo mo pang sipagan ang mga gawaing pinagkakaperahan. Sa pag-ibig, panahon na upang lambingin ang kasuyo, uwian o kaya’y ipaghanda mo siya ng paborito nyang pagkain. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Kalimutan na ang nakaraan bagong career at bagong karelasyon ang dapat. Sa ganyang paraan, higit na mas magiging produktibo at maligaya ang buhay ngayong taong 2016. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon pa lang iplano na ang Valentine. Iprioritize ang mga lugar na malapit sa nature at doon kayo mag-date. Sa pinansyal, ang pagtitipid pa rin ang mabisang pormula upang umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending