Nora gustong ipagpatuloy ang walang tulugan ni Kuya Germs
NAILIBING na si Master Showman German Moreno kahapon sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
Bukod sa kanyang pamilya, sumama rin sa paghahatid kay Kuya Germs sa kanyang huling hantungan ang kanyang mga kaibigan in and out of showbiz.
At ngayong wala na si Kuya Germs, marami ang nagtatanong kung itutuloy pa rin ba ng GMA 7 ang Walang Tulugan, ang iniwang programa ng TV host-comedian na tumutulong sa mga baguhan na nangangarap ding sumikat.
Sa isang panayam sa best friend ni Kuya Germs na si Nora Aunor, sinabi nitong willing siyang ipagpatuloy ang Walang Tulugan at humalili kay Kuya Germs bilang host nito.
Nais daw niyang ipagpatuloy ang legacy ng namayapang kaibigan dahil naniniwala siya na marami pang matutulungan ang nasabing programa, “Nakahanda po ako na ako ang gumawa ng ginagawa niya sa kanyang show. Alam kong mahal niya yung show.
“Hindi ko alam kung puwede na ako ang magpatuloy ng Master Showman ngayong wala na siya,” sabi pa ng nag-iisang Superstar.
Para naman sa naulilang pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite na nakasama nito sa hirap at sa ginhawa, nais din niyang ipagpatuloy ang programa nila.
“Ang sinasabi ko lang lagi sa mga nagtatanong sa akin, ‘It’s not my call.’ I’m just voicing this out kasi it’s not my control. The network (GMA), sirs (mga bossing ng network), it’s your (decision). Pero confidentially, ‘yon talaga ang worry niya,” sabi ni John Nite sa kanyang eulogy para sa Master Showman bago ito ilibing.
“Sa 60 or 70 young people na nakikita naman niya na…Lalo na may nag-Jake Vargas na, may Destiny Rose (Ken Chan) na, may Hiro (Peralta) na. You know, he always proved people wrong. Kapag pinagtiyagaan mo kasi at nag-continue then, may mangyayari diyan.
“I really just hope, ‘yong ang feeling ko ngayon e, we always thought of continuing the legacy. His memory will linger. Sana mabigyan tayo ng chance to continue. Puwede tayong maiwanan in the middle, pero someone has to continue it,” dagdag pa ng pamangkin ni Kuya Germs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.