2 Intsik dakip dakip sa P150M shabu | Bandera

2 Intsik dakip dakip sa P150M shabu

John Roson - January 13, 2016 - 03:27 PM

qc
Arestado ang dalawang Chinese national nang makuhaan ng aabot sa P150-milyon halaga ng hinihinalang shabu sa Quezon City kaninang umaga.

Nadakip sina Geng Qing Chuan, 35, at Xiangfan Yao, 28, kapwa residente ng Binondo, Manila, sabi ni Dir. Joel Pagdilao, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Dinampot ng mga elemento ng NCRPO Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) ang dalawa sa buy-bust operation sa paradahan ng isang “condotel” na malapit sa panulukan ng Ramon Magsaysay Blvd. at Araneta Ave., Brgy. Doña Imelda, dakong alas-9, aniya.

Nakumpiska sa mga banyaga ang tinatayang 30 kilo ng hinihinalang shabu at isang abuhing Toyota Innova (TWQ-280), ani Pagdilao.

Napag-alaman na isang buwan nang tinatrabaho ng pulisya ang operasyon laban sa mga banyaga, na ngayo’y nasa kostudiya ng RAIDSOTG.

Inaalam pa kung ang mga banyaga ay bahagi ng isang international drug syndicate, ani Pagdilao.

Samantala, nagtungo din kahapon si PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez sa lugar kung saan nadakip ang mga Chinese national.

Sinabi ni Marquez na pinapalakas pa ng PNP ang kampanya laban sa iligal na droga dahil napansin na tila bumababa ang bilang ng krimen gaya ng robbery at theft sa ilang lugar kapag may mga nagaganap na operasyon kontra droga. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending