Pamilya ni Mary Jane Veloso nasa Indonesia para siya mabisita | Bandera

Pamilya ni Mary Jane Veloso nasa Indonesia para siya mabisita

- January 11, 2016 - 03:19 PM

Veloso-family-Photo-from-Migrante-International-Facebook-page
DUMATING sa Indonesia ang pamilya ni Mary Jane Veloso para siya mabisita sa kulungan at ipagdiwang ang kanyang ika-31 kaarawan.

Nakangiti pa ang pamilya Veloso nang magpalitrato matapos dumating sa Jakarta, ang kapital ng Indonesia ngayong hapon.

Kasama sa mga lumipad patungong Indonesia ay ang mga magulang ni Veloso na sina Cesar at Celia, dalawang anak, ang kanyang abogadong si Atty. Edre Olalia at Migrante Rights and Welfare Program coordinator Laorence Castillo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Olalia na inaasahan niyang makabisita sila kay Veloso mula Enero 12 hanggang 14 sa Yogyakarta prison.

Enero 15, nakatakdang makipagkita si Olalia at ang Migrante sa mga Indonesian na abogado para makahingi ng pinakabagong impormasyon kaugnay ng kaso ni Veloso.

Plano ng theater actress na si Monique Wilson na bumisita sa kulungan ni Veloso.

Samantala, nagtipon naman ang mga tagasuporta ni Veloso sa Nueva Ecija para sa kanyang kaarawan sa Linggo.

“Mary Jane’s birthday is reason to celebrate because it symbolizes a new chapter of her life after her temporary reprieve. But it is also reason for continued vigilance and renewed vigor to save her life. We wish for her justice and freedom. We wish for the reprieve to be permanent. All efforts now must be towards ensuring that the legal cases against her traffickers here in the Philippines are done without delay. It will be almost a year since her temporary reprieve and justice is yet to be served,” sabi ni Migrante party-list’s Connie Bragas-Regalado, Migrante Partylist.

Nauna nang napaulat na kasama si Veleso sa listahan ng mga susunod na bibitayin, matapos namang ipagpaliban ang kanyang bitay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending