UMABOT na sa 851 katao ang natulungan ng Philippine National Red Cross ang sa pista ng Itim na Nazareno hanggang alas-3 ng hapon kahapon.
Ayon kay Red Cross secretary general Gwendolyn Pang karamihan sa mga nagtungo sa iba’t ibang makeshift ng PNRC ay may minor injuries gaya ng sugat sa paa. Karamihan sa mga deboto ay naglalakad ng walang saplot sa paa.
Sa naturang bilang 491 ang nagpatingin ng kanilang blood pressure at 291 naman ang may minor injuries.
Ang mga nagtamo naman ng major cases gaya ng pagkabale ng braso at malalaking sugar na kinailangang tahiin ay 26 kaso.
Noong nakaraang taon ay umabot sa 19,000 ang debotong inasikaso ng PNRC. Tumagal ang Translacion noon ng 19 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending