‘Hindi na kami nakapag-sorry nang personal kay Kuya Germs!' | Bandera

‘Hindi na kami nakapag-sorry nang personal kay Kuya Germs!’

Jobert Sucaldito - January 09, 2016 - 02:00 AM

michael pangilinan

ISANG extreme violation sa broadcast world ang mag-announce ng pagkamatay ng isang tao kung nag-aagaw-buhay pa lang ito. Usap-usapan ngayon sa social media ang tweet ng GMA News that Kuya Germs (German Moreno) passed away earlier than 3:20 a.m.. yesterday.

Marami na ang nag-condole sa family ng mahal nating TV host-comedian even before his death.
Kahapon nang madaling araw, before 2 a.m. ay may natanggap akong text message mula sa isang kasamahan namin sa DZMM asking kung totoo ang balitang pumanaw na si Kuya Germs.

Nagulantang ako kaya bigla kong tinawagan si kaibigang John Nite pero hindi siya sumagot. I opted to call Tita Carmelites (Rigonan), isa sa mga trusted na sekretarya ni Kuya Germs.”Nandito kami sa ICU ng St. Luke’s Medical Center, inatake si Kuya Germs.

Grabe ang atake niya kaya lang di kami siyempre makapasok sa loob. We need prayers for Kuya Germs, sana maka-recover siya agad,” ang pakiusap ni Tita Carms.I immediately posted sa Facebook ko asking for prayers for Kuya Germs who is so dear to our hearts. In fairness, marami sa friends natin ang nag-respond and promised to pray for his fast recovery.

Some were asking kung bakit in-announce na raw ng GMA News na patay na si Kuya Germs that time. Marami tuloy ang nag-react sa balitang iyon na parang minamadali raw ang pagpanaw ni Kuya Germs.

Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang palitan namin ng mensahe sa FB. Sa sobrang antok ko, nakatulog ako agad. Pagkagising ko, bigla akong kinabahan – natakot akong baka pagbukas ko ng cellfone ko ay iyon na ang babalandrang mga mensahe sa akin – ang kinatatakutan kong balita about Kuya Germs.

And gosh! Hindi nga ako nagkamali. Kinumpirma sa akin sa text na wala na nga si Kuya Germs, pumanaw siya dakong 3:20 a.m.. Tinawagan ko agad si John Nite and yes, he confirmed it with me at ang sabi ay sa Mount Carmel ibuburol ang mahal nating Master Showman.

I felt a little guilt about this. No, not for me – for my anak na si Michael Pangilinan.

Kasi ganito iyon, ilang beses kaming pinaalalahanan ni Kuya Germs na mag-taping si Michael for Walang Tulugan (yesterday, Jan. 8 schedule) dahil ilang linggo na siyang hindi nakakasipot sa taping dala ng tinatamaan ng bookings for out of town shows and taping days namin.

Nagpapaalam naman kami sa kaniya pag hindi kami makakarating.  Pero this time, since ipinangako kong dadalhin ko si Michael sa taping, merong biglang pumasok na booking for Cebu, kinuha si Michael to guest sa kanilang fun run sa Ayala, Cebu last night.

I called John Nite last Wednesday asking what would be best para hindi magtampo si Kuya Germs pag hindi makarating si Michael sa show. Naunawaan naman ni John Nite ang sitwasyon namin dahil artist iyan, ‘no!

Kaya I had a bright idea – sabi ko, since may pictorial si Michael sa Edward dela Cuesta Studio sa Sct. Tuazon, Q.C. at 3 p.m., papupuntahin ko muna si Michael sa radio program ni Tatay Germs niya sa DZBB last Thursday. 2:30 to 3:30 p.m. kasi ang show ni Kuya Germs kaya pasok sa sked namin.

Sabi ko kay Michael, dalhan niya ng cake si Tatay Germs niya sabay hingi ng apology na hindi siya makakarating sa taping. In short, nagkasundo na kami ni Michael sa gagawin namin for ng strategy para kay Kuya Germs. Bongga, di ba? Mahal na mahal kasi ni Tatay Germs niya iyan eh.

Poste niya sa kantahan sa Walang Tulugan si Michael at ang paborito niyang song dito ay “Hanggang”. Eto naman ngayon ang eksena right after naming mag-usap ni Michael last Wednesday about the plan, nag-text naman ang staff ng Gandang Gabi Vice at gini-guest nila si bagets last Thursday sa taping nila at ang calltime nila ay 4:30 p.m..

So, nabago na naman ang ihip ng hangin. Para matuhog namin ang pictorial at ang GGV guesting, pinaagahan ko ang pictorial – instead of 3 ay ginawa ko itong 2 p.m.. “Paano si Tatay Germs? Di ba pupuntahan ko siya ng 2:30 p.m.?” pag-alala ni Michael.

Mabilis kong tinugunan ang tanong niya ng, “Ako na ang bahalang pumunta kay Kuya Germs sa Friday taping (yesterday) para personal na humingi ng paumanhin. Naipit kasi ang sked natin eh.”

So, ganoon na nga ang final na usapan ni Michael. Kaya heto, kaya ako nagi-guilty for Michael dahil kung nakapunta siya sa radio show ni Tatay Germs niya, sana nakita pa niya ito before he expired, di ba? Well, kung alam ko lang – malay ko namang iiwanan na tayo ni Kuya Germs, di ba?

Now, Michael will never be late or absent sa Walang Tulugan kasi nga wala na si Kuya Germs. For life na pala silang hindi magkikita. As of this writing, hindi pa kami nakakapag-usap ni Michael – huwag naman niya akong sisihin, ‘no! Malay ko bang papanaw si Kuya Germs. Kaloka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuya Germs may be gone physically but his memories will remain in our hearts forever. We dearly love this man – napakarami niyang natulungan at minahal sa industriyang ito. Marami rin siyang mga tampo sa industriya natin pero alam naman nating he has fulfilled many of his dreams dahil sa showbiz.

Marami pa sana siyang magagandang plano sa industriyang ito pero palagi na lang siyang nabibigo.
That hurts him so badly. But still, he has lived a FULL LIFE in showbiz and iyon ang mas mahalaga. God bless your soul, Kuya Germs. We will miss you forever. Hay naku…HANGGANG sa muli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending