Wowowin mapapanood na araw-araw sa GMA 7; susugod na rin sa mga barangay | Bandera

Wowowin mapapanood na araw-araw sa GMA 7; susugod na rin sa mga barangay

Cristy Fermin - January 08, 2016 - 03:00 AM

WILLIE REVILLAME

WILLIE REVILLAME

KINUKULILI na ang magkabila naming tenga sa katatanong ng mga tagasuporta ni Willie Revillame kung kailan magsisimula ang panonood nila ng Wowowin araw-araw?

Mabuti pa nga sa Canada, ayon sa aming anak-anakang si Rey-Ar Reyes ay sa January 25 ang pagsisimula du’n ng daily show ni Willie, ‘yun daw ang naka-post sa GMA Pinoy TV.

Dito ay wala pang nagsasalita mula sa produksiyon, tahimik pa ang kapaligiran, pero marami na kaming nakakausap na nagbibigay sa amin ng mga impormasyon tungkol sa pagbabago ng timeslot ng game show ng aktor-TV host.

“Magde-daily na si Willie, Monday hanggang Friday ang show, siya ang pre-programming ng 24 Oras. Pang-primetime ang Wowowin.

“Saka napakaganda ng plano nila para sa pagde-daily na ng Wowowin, magkakaroon na sila ng team sa labas, para mabigyan din ng chance na manalo nang milyun-milyong prizes ang mga nasa bahay-bahay lang.

“Hindi na studio audience lang ang mabibiyayaan ngayon, meron na rin silang mga home partners. ‘Yun ang gusto ni Willie, kailangan din daw matulungan ng show ang mga kababayan nating hindi nagkakaroon ng chance na makapanood sa studio,” pagdedetalye ng aming source.

Sa linggong ito ay maaari nang magbigay ng mga detalye ang mismong produksiyon ng Wowowin.
Marami nang naghihintay sa pag-ere ng show sa araw-araw, sabik na sila sa dating atake ng show ni Willie Revillame, mas marami nga namang mabibigyan ng pangkabuhayan showcase ay mas maganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending