BANDERA "One on One": Jomari Yllana | Bandera

BANDERA “One on One”: Jomari Yllana

- October 19, 2009 - 03:19 PM

1 on 1 Jomari YllanaKUNG bagets ka noong early 1990s ay tiyak hindi nakawala sa iyong paningin ang mga Gwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari Yllana.
Sa tatlo, maka-Eric talaga kami dahil attractive yung kilay niya, pero nang makita namin siyang umarte ay na-convert kami kay Mark. Subalit pagdaan ng panahon ay napatunayan ni Jomari na hindi lang siya magaling at dedicated na artista kundi consistent siya at mayroong staying power.
Makaraan ang 17 taon sa showbiz at 27 pelikula ay aktibo pa rin si Jomari, hindi lang sa pag-aartista kundi sa pagpo-produce rin ng concert para sa mga international acts tulad nina David Cook, David Archuleta, at Marie Digby.
Isa rin sa mga traits ni Jomari na  nagustuhan namin ang hindi pagiging masalita, kaya ganoon na lamang kami ka-excited nang mag-open up siya sa BANDERA. Narito ang aming kuwentuhan.
BANDERA (B): Happy ka ba ngayon sa buhay mo?
JOMARI YLLANA (JY): Oo naman. Super. Parang ngayon nga lang uli ako naging ganito kasaya, kasi parang lahat, umaayon sa kung ano ang gusto ko, sa kung ano ang mga pinaplano ko. Parang everything’s in the right perspective. Okay ang career ko, okay ang pagpo-produce ko, so, happy
naman.
B: E, ang lovelife? May bago ka na bang nililigawan after your aborted relationship with Pops Fernandez?
JY: Wala. Wala pang plano. Ewan ko ba, nagtataka nga ako ngayon sa sarili ko. Dati kasi, after ng isang relationship, naghahanap ako agad ng kapalit. Nagde-date na agad ako. Pero ngayon, parang wala. Hindi ‘yun pumapasok sa utak ko, hindi ko siya masyadong pina-prioritize.  Maybe because I’m contented with my life now, na marami akong ginagawa, na sobrang busy ako. Kasi noon, hindi naman sunud-sunod ang projects na dumarating sa akin, so siguro, ‘yun ang dahilan.
B: Sign kaya ito ng trauma sa babae?
JY: No, hindi naman siguro trauma. Parang napagod lang siguro ako, dahil sunud-sunod, di ba? Open pa rin ako sa pakikipagrelasyon, but not now, siguro. Perhaps kapag may nakita ako uli na puwedeng maging part uli ng buhay ko, why not. Pero ngayon, I’m not searching.
B: E, ang singer na si Rada na nali-link ngayon sa kanya, sino ba talaga ito sa buhay niya?
JY: Rada is a friend. Ngayon she’s my assistant. She’s handling my schedule, my appointments, tinutulungan niya ako sa mga projects ko, sa mga shows na pino-produce ko. No, we’re not lovers.
We’re friends at professional lang ang namamagitan sa amin. Tapos ngayon, gusto niya na ring magpa-manage sa akin, so let’s see kung paano.
B: Kumusta na kayo ni Aiko Melendez? Madalas ba kayong mag-bonding ng anak n’yong si Andrei?
JY: We’re okay. Maganda na ang relationship namin bilang friends and as parents ni Andrei. Siguro mas maganda na ‘yung ganito, mas nagkakaintindihan kami, mas napag-uusapan namin ang tungkol sa future ng anak namin. May schedule talaga kaming mag-bonding ni Andrei. Nakakatuwa dahil napakatalinong bata, madali siyang makaintindi ng mga things na nangyayari sa paligid niya.
B: Okay na ba kayo ni Martin Nievera pagkatapos n’yong masuong sa kontrobersiya nang dahil sa ex-girlfriend niyang si Pops Fernandez na ex-wife naman ni Martin?
JY: Sa akin kasi tapos na yun. I’ve said my piece and that’s it. Kumbaga, nagsalita na kami pareho at ‘yun na ‘yun. Kasi ako, ayoko rin nu’ng may dinadala akong negative sa dibdib ko. And I hope, ganu’n din ang feelings niya.
B: May plano ka bang magpakasal uli?
JY: Yes, of course. But for now, para sa akin, marriage issomething really big. Dapat talaga pinag-iisipang mabuti. Siyempre, I’ve been there, kinasal na rin ako, but it didn’t work out. Pero I must admit, nu’ng dumating sa buhay ko si Pops (Fernandez), I really thought, siya na ‘yung last. I felt na parang last stop ko na siya. But unfortunately, hindi pa rin pala. Naniniwala ako na,
there’s one person out there na para sa akin talaga. And maybe, kapag talagang hiningi mo siguro sa Diyos, kapag pinagdasal mo lang yun, ibibigay Niya.
B: Ano ang isang natutunan mo sa pakikipagrelasyon at sa pagmamahal?
JY: First, tao lang tayo. Nagkakamali. That’s a given. We all make mistakes. We face challenges, whether we like it or not. Ngayon, ang mas importante, kung paano mo tatanggapin ang anumang pinagdadaanan mo sa buhay, kung paano mo ito haharapin, at kung paano ka matututo from these trials,
kung paano ka matututo to become a better person.

—Interview ni EAS
BANDERA Entertainment, 101909

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending