Pia sa mga Pinoy: Wag na tayong pumatol sa bashers, nanalo na po tayo! Bandera

Pia sa mga Pinoy: Wag na tayong pumatol sa bashers, nanalo na po tayo!

Ervin Santiago |January 05,2016
share this

Pia sa mga Pinoy: Wag na tayong pumatol sa bashers, nanalo na po tayo!

Ervin Santiago - January 05, 2016 - 02:00 AM

pia wurthbach

Muling nakiusap si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga Pinoy na dedmahin na lang ang mga foreigner na patuloy na namba-bash sa kanya sa social media.

Ayon sa dalaga, ma mabuting mas mag-focus na lang daw ang kanyang mga tagasuporta sa mga positibong bagay ngayong 2016 para mas happy lang at mas productive ang buhay.

Wala naman daw kasing maidudulot na maganda ang pakikipag-away sa mga bashers. Naging kontrobersiyal ang pagkapanalo ni Pia sa Miss Universe 2015 dahil sa kapalpakan ng host ng pageant na si Steve Harveyy  sa halip na Miss Philippines ang banggitin nito bilang winner ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang kanyang naisigaw.

Nababasa raw ni Pia ang sagutan sa Facebook, Twitter at Instagram ng kanyang mga supporter at mga tagapagtanggol ni Miss Colombia. Kaya sa kanyang IG account, nag-post si Pia ng isang mensahe para matigil na ang bangayan ng mga Pinoy at Colombians, “Mga kababayan wag na po tayong mag-comment ng masama tungkol sa ibang lahi. At wag na po tayo pumatol sa mga bashers. Nanalo na po tayo, sapat na po yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending