Korona, premyo ni Pia Wurtzbach hindi dapat buwisan
Maghahain ng resolusyon ang isang solon upang hindi na patawan ng buwis ang napanalunan at koronang nakuha ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.
Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na kasama sa kanyang resolusyon ang pagbibigay ng titulong Ambassador of Good Will kay Wurtzback na kanyang kababayan.
“The bill would also exempt her earnings from taxes. She has given honor to the Philippines and our city,” ani Rodriguez. “The more the crown should not be taxed! Since the (gems) are part of the crown that should be exempt to acknowledge and give honor to her.”
Ang korona ni Wurtzbach ay gawa sa Czech Republic na pinalamutian ng mga mamahaling bato at nagkakahalaga ng $300,000.
Si Wurtzbach ang ikatlong Filipina na nanalo ng titulong Miss Universe para sa bansa. Ang una ay si Gloria Diaz noong 1969 at sinundan ni Margie Moran noong 1973.
Umani ng kontrobersya ang panalo ni Wurtzbach matapos na magkamali ng inanunsyo ang host na si Steve Harvey kaya naiputong ang korona kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez.
Inilipat ang korona kay Wurtzbach makalipas ang ilang minuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.