Mga labi ng posibleng mga magulang ni Grace Poe hinukay
HINUKAY kahapon ang mga labi ng tatlong katao na sinasabing mga magulang ni Sen. Grace Poe sa Guimaras Island para makuhaan ng specimen sa gagawing DNA testing.
Kasabay nito, umakyat na sa P355,000 ang pabuya para sa mga makakapagbigay ng impormasyon para matunton ang mga totoong magulang ni Poe matapos namang mangasko ang isang kapitan ng barko at isang doktor na magbibigay ng pabuya sa mga makakapagbigay ng solidong impormasyon hinggil sa mga magulang ni Poe.
Ito’y matapos na naunang mag-alok ng P300,000 ang retirdong labor judge na si Jesus Nograles Rodriguez Jr., na nakabase sa Bacolod City, Negros Occidental.
Hinukay ng mga manggagawa ng sementeryo at mga miyembro ng pamilya ang mga buto ni Victoria Rodriguez at dalawang lalaki sa sementeryo sa Barangay East Valencia sa bayan ng Buenavista, ayon sa isang source na batid ang isinagawang paghuhukay.
Kumuha ng mga bone sample bago muling inilibing ang mga labi.
Kumuha rin ng mga DNA sample sa siyam na katao, anim sa mga miyembro ng pamilya ni Rodriguez, at tatlo mula sa pamilya fatheron noong Martes.
Dadalhin ang mga sample sa Maynila ngayong Miyerkules.
Nauna nang sinabi ng mga kapatid ni Victoria na maaaring si Poe ang anak niya na dinala sa Iloilo City at ipinaampon sa mag-asawang sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.
Noong Lunes, nag-alok sina Maritime captain Eduardo Gargaratino at Dr. Karen Ambito-Galvan ng kabuuang P55,000 para sa makakapagbigay ng solidong impormasyon kaugnay ng mga magulang ni Poe.
Ito’y bukod pa sa P3000 inalok na pabuya ni Jesus Nograles Rodriguez Jr., na wala namang relasyon sa mga anak ni Rodriguez .
“I know that the amount I am contributing is not much, but this represents my family’s earnest hope that Senator Poe finds the identity of her true parents and perhaps living blood relatives here in Iloilo or wherever they are really from,” sabi ni Gargaritano, na tubong bayan ng Guimbal, Iloilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.