Makakahanap na ba ng trabaho sa taong 2016? (2) | Bandera

Makakahanap na ba ng trabaho sa taong 2016? (2)

Joseph Greenfield |December 31,2015
facebook
share this

Makakahanap na ba ng trabaho sa taong 2016? (2)

Joseph Greenfield - December 31, 2015 - 03:00 AM

 

Sulat mula kay Alelie ng Dr. Meciano Road, Dumaguete City, Negros Oriental

Problema:

  1. Almost 3 years nap o akong gradueyt ng kursong HRM, kaya lang until now wala pa rin akong regular na trabaho. Nahihiya na nga po ako sa mga magulang at kapatid ko kasi ang laki-laki ko na at pinatapos na nila ako ng pag-aaral pero until now umaasa pa rin ako sa kanila. Kaya sana ano po ba sa palagay nyo makakatagpo na ba ako ng maganda at regular na trabaho sa darating na taong 2016?
  2. At ang isa pa, pangarap ko rin pong mag-abroad, sana masuri nyo rin ang aking palad kung ako po ba ay may travel line at kung makapag-aabroad, susuwertehin naman kaya ako sa aking pangingibang bansa? September 23, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,

Alelie ng Negros Oriental

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing sa taong 2016 tuluyan ng papasok ang suwerteng planetang Jupiter sa iyong Birth Chart na nangangahulugang sa nasabing panahon sa edad mong 27 pataas umasa kang mas marami pang magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay, hindi lamang sa career, at salapi, kundi maging sa pag-ibig at sa pakikipag-relasyon.

Numerology:

Ang birth date mong 23 ay nagsasabing may malaking suwerteng naghihintay sa iyo sa pangingibang bansa, na magaganap sa taong 2021 sa edad mong 32 pataas.

Luscher Color Test:

Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na puti at  asul, ganon din ng mataas na kilatis ng silver na alahas. Sa nasabing mga kasuutan, mas marami pang suwerte at magandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay.

Huling payo at paalala:

Alelie ayon sa iyong kapalaran, pagpasok na pagpasok ng taong 2016, magkaroon ka agad ng trabaho, kung saan, mapapasok ka sa isang company na related din sa career mong HRM, tatagal ka don, hanggang sa sumapit ang taong 2021. Sa nasabing panahon ng iyong buhay sa edad mong 32 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran at sa nasabing pangingibang bansa doon mo na rin makikilala ang lalaking iyong mapapangasawa at makakasama habang buhay na nagtataglay ng zodiac sign na Gemini.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending