New Year’s resolution ni Daniel sa 2016: Basta, make peace not war!!! | Bandera

New Year’s resolution ni Daniel sa 2016: Basta, make peace not war!!!

Ervin Santiago - December 30, 2015 - 03:00 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

WALA nang mahihiling pang materyal na bagay ang Teen King na si Daniel Padilla. Kaya sa pagpasok ng Bagong Taon, mas makabuluhan daw ang kanyang New Year’s resolution.

Napakaraming blessings ang tinanggap ng rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo sa nakalipas na 12 buwan, isa na nga rito ang matagumpay nilang teleserye na Pangako Sa ‘Yo na patuloy pa ring namamayagpag sa ratings game at nananatiling isa sa pinakamainit na programa ng Kapamilya network.

Sa isang panayam kay DJ, sinabi nitong mas gusto niyang pagtuunan nang pansin ang kanyang personal na buhay at maging mas mabuting tao sa darating na 2016.

“Every year sinusubukan nating maging mas mabuting tao. ‘Yun lang naman ang goal. Basta make peace not war,” pahayag ng binata sa nasabing interview.

Sabi ni Daniel, napakaswerte niya ngayong 2015 dahil napakaraming nangyaring maganda sa kanyang career, bukod nga sa success ng PSY, nagkaroon din sila ng super blockbuster movie ni Kathryn, ang “Crazy Beautiful You,” idagdag pa riyan ang kanyang soldout concert na “Most Wanted.”

“Masaya naman ang 2015 ko at saka marami akong natutunan ngayong taon. Sa susu-nod na taon, mas marami pa akong matututunan,” aniya pa.

Samantala, sa lahat ng mga sumusubaybay sa Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel sa Primetime Bida ng ABS-CBN, mas marami pa raw mangyayari sa serye ngayong muli ngang nagkakalapit ang loob nina Angelo at Yna matapos ang mapait na nakaraang pinagdaanan nila.

Promise nina Daniel at Kathryn, hindi nila bibiguin ang kanilang mga tagasuporta, lalo na sa mga umaasa ng mas marami pang kilig moments sa pagitan nina Angelo at Yna.

At siyempre, nandiyan pa rin ang lumelebel na sa kasikatan ng KathNiel, ang tambalang JodIan nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion. In fairness, talagang abot-langit ang kilig ng mga manonood nu’ng ipalabas sa PSY ang love scene nina Ian at Jodi bilang sina Eduardo Buenavista at Amor Powers.

Talagang nag-trending sa social media ang halikan at bed scene ng dalawa sa isang episode ng PSY.

Anyway, sa mga fans naman ni Angelica Panganiban na gumaganap na Madam Claudia sa serye, nagbalik na nga ito sa ngunit hindi na siya ang dating matapobre at mapaghiganting babae.

Naging isang simple at mapagbigay na ito sa kanyang mga kabarangay. Nagtatrabaho na siya bilang administrative officer sa Bgy. Santa Ines. At iba na rin ang pangalan niya – siya na ngayon si Greta na nagkaroon ng amnesia matapos mabangga ang kanyang kotse ilang taon na ang nakararaan. Kasama na niya ngayon ang kanyang lover na si Simon (Alex Medina).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dialogue ni Claudia kay Simon, “Alam mo minsan, nakokonsensya na ako. Kasi araw-araw mong pinaparamdam na mahal mo ako. Ako mahal din naman kita eh, pero parang may kulang. Masaya naman ako Simon, masayang masaya ako. Parang hindi ito ‘yong buhay ko. Parang hindi naman ako sanay sa ganitong buhay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending