Mga biktima ng paputok at ligaw na bala tumataas bago pa man ang Bagong Taon
PATULOY ang pagtaas ng mga insidente na may kaugnayan sa mga firecrackers at pagpapaputok ng baril bago pa man ang pagsalubong ng Bagong Taon, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ng PNP na umabot na sa 23 kaso ang naitala ngayong Kapaskuhan.
Batay sa datos ng PNP, sa kabuuang 23, 15 rito ay bunsod ng iligal na pagggamit ng mga ipinagbabawal na mga paputok; tatlo dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril; tatlo ay mga biktima ng ligaw na bala at dalawa ang nasugatan dahil sa mga paputok.
Idinagdag ni PNP na dalawa katao ang inaresto dahil sa iligal na paggamit ng baril, samantalang nananatili namang pinaghahanap ang isa pang suspek.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Willy Talinting, 47 at Felix Cuenca, 27, samantalang hindi pa rin nahuhuli ang isa pang suspek na si Marianito Alob.
Samantala, kinilala naman ang mga biktima ng mga ligaw na bala na sina Calsum Henio, tatlong-taong-gulang, matapos namang mabaril sa itaas ng tiyan at ang 50-taong-gulang na si Hawaki Asakil Hanapi, na tinamaan sa hita.
Sinabi pa ng PNP na wala pa namang naiulat na nasawi dahil sa mga paputok at mga ligaw na bala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending