ANGELICA nainsulto sa pangdededma ni DEREK | Bandera

ANGELICA nainsulto sa pangdededma ni DEREK

|November 20,2012
facebook
share this

ANGELICA nainsulto sa pangdededma ni DEREK

- November 20, 2012 - 05:12 PM

Tama ang obserbasyon ng mga tagapanood-tagapakinig namin sa 92.3 News FM-AKSYON TV-41 tungkol sa mga pinaggagagawa ngayon ni Angelica Panganiban.

Masyado kasing palaging highblood ang ex ni Derek Ramsay na nagsasabing maligayang-maligaya na siya ngayon sa piling ni John Lloyd Cruz, puwede rin namang naaaburido siya ngayon dahil flop ang huli niyang pelikula, kaya siya nagkakaganyan.

Ang palaging ipinagsisigawan ni Angelica sa kanyang Twitter account ay napagod na raw kasi siya sa anim na taong pakikipagrelasyon niya kay Derek.

Siya raw ang nang-iwan, ipinagdidiinan pa niya na hindi siya ang iniwan ng hunk actor, kailangang malinaw raw ‘yun!

Pero heto ang komento ng isang texter namin sa “Cristy Fer Minute”, “Pakisabi po kay Angelica na tantanan na niya ang pagsasabing happy siya ngayon ay John Lloyd dahil it doesn’t show naman. What kind of happiness is she talking about?

“‘Yung ganyan na nine months na silang break, e, wala pa rin siyang pinagbubuntunan ng pagiging bitter niya kundi si Derek?

‘Yan ba ang sinasabi niyang masaya, siya ba ang epitome ng kaligayahan?

“Kabaligtaran ang mga nakikita sa kanya ng publiko, anong masaya siya, e, napaka-bitter nga niya?

Puro pagpaparinig kay Derek ang ginagawa niya, bitter na bitter siya sa paghihiwalay nila, ‘yun ba ang babaeng magsasabing maligaya na siya ngayon?” kulang na lang na sabihin pa ng aming texter ang “Neknek mo!”

Ang kaligayahan ay hindi ipinagduduldulan, nararamdaman na lang ‘yun ng mga nakamasid, tama ang obserbasyon ng mas nakararami na kung totoo ngang maligaya na si Angelica Panganiban ngayon ay nananahimik na lang dapat siya at hindi na nambubulabog pa ng taong nakasulong na.

Nakakahiya ang mga ginagawa niya, cool na cool lang ang lalaki at wala namang panahon para patulan siya, hindi ba naman nakakainsulto ang ganu’n?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending