Mister galit sa family ni misis | Bandera

Mister galit sa family ni misis

Pher Mendoza - December 16, 2015 - 03:00 AM

GOOD day, Manang Pher. Isa po ako sa mga avid readers na column ninyo. I’m Anne, 29. from Zamboang City. Ask lang po ako kung bakit yung asawa ko ay galit sa family ko. Hindi niya gusto ‘yung family ko. Ang sabi niya ay wala daw ka-ming kaya sa buhay. Masakit iyon para sa akin, Manang Pher, kasi family ko po ‘yun. Sinabi ko tuloy sa kanya na huwag laitin ang family ko. Siya pa ang nagalit sa akin at pinauwi ako sa amin. Ano po ba ang dapat kong gawin?….3540
Hello Anne! Thank you sa pagtangkilik mo sa column na ‘to. Talaga namang natutuwa ako kapag nakakarinig ng ganitong balita.

Salamat po sa inyo at sa lahat na patuloy na nagbabasa ng Bandera.

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo at talaga namang hindi magandang marinig na ayaw ng minamahal ang iyong pamilya.

Pero ang sa akin lang, kung mahal ka ng asawa mo ay dapat matutuhan niyang unawain at tanggapin na pamilya mo iyon at hindi ka naman maaaring mamili ng kapamilya.

Kung ayaw man niya sa mga ito ay dapat matuto siyang rumespeto rito. Ikaw ang magiging susi para mangyari iyon, Anne. Sabihin mo sa asawa na ang pamilya mo ay mahalaga sa iyo at bahagi ito ng iyong pagkatao, kung hindi niya iyon matatanggap ay parang hindi ka rin niya tanggap bilang ikaw.

Matatanggap mo ba na conditional lang ang pagmamahal n’ya sa’yo? Kaya mo bang talikuran ang pamilya mo para sa minamahal?

Sa totoo lang, dapat hindi ito issue. Unfair yata na magalit siya dahil lang mas nakakaangat siya sa buhay kaysa sa pamilya mo. What does that tell you? Be strong.

Ang payo ng tropa:

Hi Anne,

Unang-una, sabi nga nila pag nag-asawa na ay dapat nakabukod na kayo sa kanyang-kanyang pamilya, ‘yun naman yata ang ginawa n’yo, di ba? Pero hindi ibig sabihin ay humiwalay ang loob n’yo sa kanila or talikuran ang family. Hindi naman maganda na magalit ang asawa mo sa family mo.

Kausapin mo siya at tanungin kong bakit galit na galit siya sa family mo.

May ginagawa ba or ginawa ba ang family mo sa asawa mo na kinagalit niya?

Dapat matutuhan niya mahalin ang mga mahal mo sa buhay.

Dapat nga mas siya pa ang nagbibigay ng unawa at mag provide ng mga kailangan niyo dahil nga nakakaangat siya sa buhay….

Well girl, good luck and God bless!

Ate Jenny

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending