Osang hindi nagpabudol, inihagis ang parcel sa delivery rider

Osang hindi nagpabudol, inihagis ang parcel sa delivery rider

Reggee Bonoan - June 26, 2024 - 09:03 AM

Osang hindi nagpabudol, inihagis ang parcel sa delivery rider

Rosanna Roces

KABABALIK lang ni Rosanna Roces mula sa shoot ng isang indie film nang tawagan siya ng isang rider ng courier company dahil may delivery siya.

Ipinost ng aktres ang convo nila ng rider sa kanyang Facebook account kaninang tanghali na tinag ang nasabing kumpanya kasama pa ang logo nito.

Ang caption ni Osang, “May dumating na parcel almost 9k daw babayaran ko..paghipo ko parang kapote ang laman na may halong karton.

Baka Bet Mo: Rosanna Roces nakatanggap ng diamond earrings sa kanyang kaarawan: Masarap pala ‘pag ikaw binibibigyan

“Ihagis ko nga sa rider, sabi ko di ako nag oorder ng ganyan tsaka lahat ng order ko Bayad na lagi walang COD. Itapon mo ‘yan kuya scam yan !!!!” ani Osang.

Nagpadala kami ng mensahe sa kanya sa pamamagitan ng messenger at nabanggit naming nakaranas na rin kami ng ganyan, ang pagkakaiba lang ay parating cash on delivery kami dahil wala kaming online account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosanna Roces (@therealrosannaroces)


Palibhasa pagod kaya hindi muna niya naisip na wala siyang inorder na ganu’ng kalaking amount.

Baka Bet Mo: Rosanna nag-share ng acting tips na natutunan kina John Lloyd at Phillip

“Kainis buti na lang bayad ko lahat bago pa-deliver tsaka pag lumagpas 600 ang item mahal na sa akin ‘yon pag iisipan ko pa mabuti,” katwiran ng aktres.

Mura nga lang kaya pala nagulat siya na almost P9,000 ang presyo ng delivery.

“Madalas kong bilhin naman vitamins, Turmeric, Neem, Shilajit, bota, kapote at mga buto na pangtanim lang binibili ko,” say pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, kaya ipinost ni Osang ang nangyari ay para maging aware ang lahat ng namimili sa online para iwas scam at budol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending