Rosanna nag-share ng tips na natutunan kina John Lloyd, Phillip

Rosanna nag-share ng acting tips na natutunan kina John Lloyd at Phillip

Ervin Santiago |January 29,2024
facebook
share this

Rosanna nag-share ng acting tips na natutunan kina John Lloyd at Phillip

Ervin Santiago - January 29, 2024 - 08:22 AM

Rosanna nag-share ng acting tips na natutunan kina John Lloyd at Phillip

Rosanna Roces

MARAMING natutunan si Rosanna Roces sa mga kabataang artistang kasama niya sa katatapos lamang na Kapamilya series na  “Pira-Pirasong Paraiso.”

Puring-puri ni Osang ang lead stars ng naturang hit TV series na sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad at Elisse Joson.

Nagkuwento ang award-winning actress tungkol sa naging work experience niya sa apat na Kapamilya young actress sa naganap na finale mediacon ng “Pira-Pirasong Paraiso” last January 17.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosanna Roces (@therealrosannaroces)


“Kung may natututunan sila sa amin, mas may natututunan din kami sa kanila. Yung kaba nila sa akin, I will make sure na sa susunod na eksena, wala na yun, ganun. Madidinig na nila yung tawa ko na malakas, ganyan-ganyan.

Baka Bet Mo: Rosanna Roces ayaw gawing pelikula ang buhay: ‘Walang kabutihang mapupulot’

“Tapos lagi kong sinasabihan sila na, ‘Huwag kayong mahiyang mamulot ng acting sa mga seniors.’

“Kasi yun din ang ginagawa ko sa mga kagaya noong…kung puwede kong banggitin, yung mga (Lino) Brocka babies na nakatrabaho ko.

“At ikinukuwento ko, kay Elisse, nakuwento ko, no?! Yung tingin na tatlong ganu’n,” sabay muwestra ni Rosanna na nakatingin sa ulo, sa mata, at sa katawan ng kanyang eksena.

“Yan, napulot ko yan kay Kuya Ipe (Phillip Salvador), turo ni Brocka. So, parang yung turo ni Brocka, makukuha mo na rin. Parang naturuan ka na rin niya.”

Dugtong pa ni Rosanna, “Nakuha ko kay John Lloyd Cruz ito, yung iyak na nakatingin sa itaas, yung parang nakikiusap sa Diyos. Yung ganu’n.”

Kasunod nito, inisa-isa nga ni Osang kung anong klaseng aktres at katrabaho sina Elisse, Charlie, Alexa, at Loisa.

“Si Elisse, ang ganda ng nakikita ko sa batang ito. Kasi puwede siyang bida-kontrabida. At ang sarap niyang paglaruan, kasi puwede mong kawawain, puwede rin namang siya yung mangangawawa, di ba?

“Si Charlie, pinatunayan niya sa akin kung bakit best actress siya sa MMFF (Fan Girl). Kasi nu’ng nanalo siya, ‘Sino yun? Sino ang Charlie Dizon?’ Ganu’n ang mga reaksyon. Nu’ng naka-work ko na siya, ‘Ay! Kaya pala!’

“Si Alexa naman, ganu’n din. Kahit huwag mong pagsalitain yan, ang mga mata niyan, nangungusap.

“At si Loisa na napaka-professional, sinasakal ko na siya… Kung nasaan yung ulo niya is puro batu-bato. Kasi, nitso na yung kasunod, e.

“Sinasabihan ko siya, tinatanong ko siya, ‘Anak, nasasaktan ka ba? Nasasaktan ba kita?’ ‘Hindi, Tita! Ituloy mo lang! Sige lang! Sige lang!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ako, noong araw talagang sinasabi ko, ‘Aray! May bato! May bato!’ Siya talaga, wala. Wala siyang ganu’n. Talagang kung ano ang hinihingi ng eksena, yun talaga ang ibinibigay niya,” pagbabahagi pa ni Osang.

Baka Bet Mo: Rosanna Roces ayaw gawing pelikula ang buhay: ‘Walang kabutihang mapupulot’

Natanong din si Osang kung sino kina Elisse, Loisa, Charlie at Alexa ang tingin niya ang pinaka-promising o yung posibleng marating the  pagiging superstar status

Medyo matagal bago nakasagot si Osang, “Iba din ang Loisa Andalio kasi. Iba! Kaya lang, hindi pa siya nagsa-shine sa pelikula.

“Actually, tinanong ko na yan kay Direk Raymund (Ocampo, direktor ng PPP). Yung tanong n’yo na yan. ‘Direk, sino sa kanilang apat?’

“Meron siyang magagandang sinabi sa bawat isa, pero sabi niya, ‘Pinakagusto ko si Loisa. Kasi talagang naibibigay niya yung hinihingi ko.’ Pag sa direktor galing yan, ay! Iba yan!” sey ni Rosanna.

Binanggit din niya ang pangalan ni Elisse, “Si Elisse, napakaliit na babae pero anlaking kumilos. Tingnan mo, ang liit-liit niyang babae pero ang ganda-ganda niyang manamit, di ba?

“Ang sarap niyang paglaruan. Ang ganda ng mga role na napupunta sa kanya,” hirit pa ni Osang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umere last Friday, January 27, ang finale episode ng “Pira-Pirasong Paraiso” sa Kapamilya Channel at tumagal din ito ng six months na isa sa unang collaboration project ng ABS-CBN at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending