SINUWAG ng dati niyang mga tauhan sa Davao City Police si dating Interior Secretary Mar Roxas dahil sa kanyang sinabi na kathang isip lang daw ang ulat na pinakaligtas ang lungsod na tirhan.
Sinabi kasi ni Roxas na isa sa limang lugar sa Pilipinas ang Davao City sa pinakamataas na insidente ng krimen.
Sinabi ng Davao City Police Office na mali ang sinabi ni Roxas at nagbigay ito ng crime statistics sa lungsod.
Ayon sa isang international survey, ang Davao City ang isa sa sampung lungsod sa buong mundo na pinakaligtas tirhan.
Si Roxas, bilang interior and local government secretary, ay may control sa pulisya sa buong bansa.
Dahil wala na siya sa puwesto at kabulaanan naman ang kanyang si-nabi tungkol sa krimen sa Davao City, sinopla siya ng mga pulis-Davao.
Pero kahit na noong siya’y DILG Secretary, hindi bilib sa kanya ang mga pulis dahil pinaiikutan siya ng kanyang kaaway na si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima.
Sa totoo niyan, wala ngang paggalang sa kanya si Purisima at binaboy pa siya ni Pangulong Noynoy nang hindi pinaalam sa kanya na may operation laban sa isang teroristang Malaysian sa Mama-sapano sa Maguindanao.
Ang operation ay naging sanhi ng pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force (SAF).
Ginawang tanga si Roxas ni Purisima na noon ay under suspension ng Office of the Ombudsman.
Kung siya’y ginagalang ng kanyang boss na si P-Noynoy, gagawin ba siyang mukhang tanga nito?
Ngayon, masasabi ko na ang dapat sabihin dahil wala na si Roxas sa DILG at kandidato na ng administrasyon bilang presidente.
Nang lumabas ang balita na hindi pinaalam kay Roxas ang Mama-sapano operation, isa sa kanyang mga aides o alalay ang kumonsulta sa inyong lingkod kung ano ang gagawin ng kanyang boss matapos na ginawang parang tanga ito ng Pangulo.
Mabilis ang aking sagot: Mag-resign siya upang maipakita niya sa publiko na siya ay nasaktan sa buong pangyayari.
“Kung ako si Roxas,” sabi ko sa kanyang aide, “magbibitiw ako kaagad dahil para naman siyang tanga.”
Pero mukhang walang prinsipyo si Roxas.
Talagang atat na atat siya sa endorsement ni P-Noynoy sa kanyang planong pagtakbo sa pagka-Pangulo kaya’t nilunok niya ang kanyang prinsipyo.
Ganoon ba ang taong ating iboboto na maging presidente—ang taong walang prinsipyo?
Suportado raw ng Palasyo ang isinasagawang imbestiga-syon laban kay Davao City Mayor Rody Duterte tungkol sa diumano’y human rights violation nito.
Ang Commission on Human Rights (CHR), na nasa ilalim ng Palasyo, ang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa pagpatay daw ni Duterte sa tatlong pinaghihinalaang kidnaper.
Aw, bakit ngayon lang nilabas ng Malacañang ang ulat na yan?
Bakit hindi noon pa?
Hindi ba panggigipit ang ginagawa ng Malacañang kay Duterte na nangunguna sa popularity survey ng mga kandidato pagka-Pangulo?
Bakit ayaw lumaban ng patas ang administrasyon?
Dapat doon sa dalawang magka-live in partner na mga tomboy na pumatay ng 4-anyos na bata ay iumpog sa pader ang mga ulo hanggang sila’y mamatay din.
Ganoon ang ginawa nina Rosemarie Canja at Irene Natividad sa kanilang ampon: inumpog nila ang ulo ng bata sa pader na ikinamatay nito.
Pinahirapan pa ng “abnormal” na magsing-irog ang bata sa pama-magitan ng pagbuhos nila sa kanya ng mainit na tubig.
Baka ‘kako galit sila sa bata, na inampon na nila mula nang ito’y sanggol pa, dahil di sila makagawa ng bata.
Di talaga makakagawa ng baby ang pompiyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.