PhilHealth benefits sa panganganak | Bandera

PhilHealth benefits sa panganganak

Liza Soriano |December 11,2015
facebook
share this

PhilHealth benefits sa panganganak

Liza Soriano - December 11, 2015 - 08:00 PM

MAGANDANG araw. Ako si Ligaya Baldesimo. Gustong malaman ng kapatid ko ang tungkol sa PhilHealth nya. Malapit na syang manganak. Ang asawa nya ang nagtatrabaho sa kanila. Ibig sabihin dependent sya ng asawa nya. Magkano daw ba ang maternity benefits nya kung sya ay ma-nganganak ng normal o caesarian section? Parehas din daw ba ang benepisyo na maaari nyang matanggap kung manganganak sya sa public o kaya ay private na ospital? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa malinaw ang lahat ng ito sa kanya kaya nais nyang maliwanagan. Sana ay matulungan nyo sya. Salamat po.

REPLY: Bb. Baldesimo: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na ang PhilHealth po ay nagbibigay ng benepisyo para sa panganganak sa ospital o non-hospital facility (tulad ng lying-in). Ito po ay maaaring matanggap sa pamamagitan ng automatic o outright deduction mula sa hospital bill.

Narito po ang halaga ng bawat case rate package:

Maternity Care Package (MCP) – P 6,500:

P5,000 – Facility fee (including professional fee)

P1,500 – Member’s prenatal care fee

Normal Spontaneous Delivery – P 5,000

P5,000 – Facility fee (including professional fee)

Antenatal Care Package (Pre-natal) – P 1,500

Caesarean Delivery Package – P19,000.00

P11,400 – Facility fee

P7,600 – Professional fee

Newborn Care Package (baby) – P1,750.00

P1,250 – Facility fee

P500 – Professional fee

Nakapaloob po sa case rate package na ito ang Professional Fee na 40% at ang 60% po ay para sa ospital o facility. Para po sa inyong karagdagang impormasyon, narito po ang mga kondisyon para ma-avail ang benepisyo:

Kailangan may kaukulang kontribusyon ang member (kinakailangan po na ang miyembro ay may tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob anim (6) na buwan bago ang unang araw ng confinement/availment);

Kailangan PhilHealth-accredited ang ospital at duktor; at

Hindi pa nauubos ang 45-day benefit limit ng miyembro o ang 45-day benefit limit na paghahatian ng kwalipikadong dependent sa isang taon.

Upang maberipika din po namin kung ang inyong kapatid ay naka-declared na dependent ng kanyang asawa, pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon ng
inyong bayaw:

Kumpletong Pangalan (Last Name, First Name, Middle Name); PhilHealth Identification Number (PIN); Araw ng Kapanganakan; Tirahan:

Asahan po ang aming agarang pagsagot sa oras na matanggap ang mga nasabing detalye.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442. Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sawww.philhealth.gov.ph

Maraming salamat po.

CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
fmb

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending