Pamilyadong BF gusto nang kalasan | Bandera

Pamilyadong BF gusto nang kalasan

Pher Mendoza - December 11, 2015 - 03:00 AM

MANANG,

Ako po si Joy, 28 years old, from Zamboanga.

May problema po ako sa lovelife ko, gusto ko na pong tapusin ang relasyon ko sa partner ko dahil nahihirapan na po ako sa sitwasyon namin.

Six years na po kaming nagtatago sa relasyon namin. Isa po kasi siyang pamilyadong tao. Ang problema ko po, paano po ako makakakalas sa kanya, e binabantaan po niya ako tuwing makikipaghiwalay ako sa kanya. Napaka obsessed n’ya kasing tao. Hihingi lang po sana ako ng advice sa kung anong tamo kong gawin? Salama po.

Joy
Hi Joy! Magandang araw sa’yo at sa mga mambabasa ng Bandera. Ilang araw na lang ay Pasko na. I hope lahat ng magaganda ay mangyari sa inyo mga katropa.

Joy, maaari kang mamili, nais mo bang manatili sa relasyong may pagbabanta at hindi ka malaya o maghanap ng buhay na may peace of mind at katahimikan?

Kung nais mo ng pagbabago ay lumayo ka sa nobyo mong may pamilya na. Get your life back and do not settle for a guy na hindi magiging sa iyo ng buong-buo.

Maaari mo pang mabago ang buhay mo basta’t buo ang loob mo at magdesisyon ka na ito ay ang mas nakakabuti sa’yo, sa kanya at sa kanyang pamilya. You have to make that decision. Kung alam mong hindi na tama ang relasyong anim na taon mong tiniis, then I suggest you move and look forward. Kaya mo yan!

Ang payo ng tropa:

Hi Joy,

Simple lang naman ang sagot sa problema mo, una palang dapat tinapos mo na ang relasyon mo sa kapartner mo, dahil sabi mo nga may pamilya na pala.

Sa mata ng Diyos ay bawal talaga. Mas maganda girl ay maghanap ka ng para sa iyo lang, ‘yung ikaw lang at pang matagalang relasyon.

Sorry ha, pero ikaw din ang masasaktan sa ganyang klaseng ng relasyon at ngayon tinatakot ka pa niya. Kausapsapin mo siya ng maayos at explain mo sa kanya yung feelings mo na gusto mo na talagang makipag hiwalay sa kanya.

Bata ka pa naman, I’m sure may mga lalaki pang seseryoso sa ‘yo. Hindi pa naman huli ang lahat.
Good luck.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending