BF namatay; GF di pa maka-move on | Bandera

BF namatay; GF di pa maka-move on

Pher Mendoza - December 08, 2015 - 07:47 PM

GOOD day, Manang.
Ako si Mae, 18 years old at taga-Compostela Valley province. May boyfriend po ako, matagal na kaming may relasyon. Two years and one month na po kami pero ang problema ko po ay nawala na siya sa buhay ko.
Kasi po, sumakabilang buhay na po siya. Tama ba na maghanap ako ng isang lalaki na magmamahal sa akin ulit o huwag na lang siguro baka masaktan lang ako uli? Three months after na siya ay mamatay ay hindi pa rin ako makamove-on dahil mahal na mahal ko ang boyfriend ko. Ano ang gagawin ko?
Mae

Mae, nakikiramay ang iyong Manang. I’m so sorry to hear that, I really do.

When a loved one passes, it does not mean our life has to end too. Bata ka pa, Mae, give yourself time to mourn, and time to heal and accept what happened. May pagkakataon ka pa para magmahal at mahaling muli.
Dadating ang tamang panahon at kapag naghilom na ang mga sugat, sana handa ka na muling magpapasok ng bagong mamahalin sa iyong puso.
Remember the good memories in your heart but always remember that life has to go on. I’m sure gusto rin ng iyong yumaong BF na maging masaya ka sa buhay mo kahit na wala na siya.
Also seek for the company of your family and good friends. You need them more than ever. Keep your thoughts positive and samahan mo ng dasal ang iyong pinagdadaanan. Good luck, Mae. I know you will be able to survive this.
Ang payo ng tropa:

Hi Mae,
Napakahirap talagang mawalan ng isang minamahal, masakit, napakalungkot dahil hindi mo na siya makikita.
Pero kailangang mag move on. You’re so young at marami ka pang dapat gawin sa buhay mo.
Hindi masamang magmahal at mahalin muli.
Remember, masarap ang umibig at ibigin ng taong magpapasaya sa iyo, pero hindi ibig sabihin noon na kakalimutan muna ang BF mo, mamanatili pa rin siya sa puso mo, right?
Huwag mo lang laging kakalimutan ang pagdarasal sa lahat ng bagay at mga desisyon mo sa buhay. Okay?
Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending