Nadine binalaan: Mag-ingat sa pekeng Jadine fans
HOW true kaya ang tsismis na noong magkaroon ng sariling mall tour si Nadine Lustre kung saan talagang pinagkaguluhan ang dalaga ay maraming mga fans daw ang nagpakilalang supporters sila ng ibang loveteam pero lumipat na raw sa tambalan nila ni James Reid.
Parang eksena lang daw sa pulitika ang ginawa ng mga tropa-tropang fans na nag-ambag-ambag pa para gawan ng tarpaulin and streamers si Nadine to show and prove their support.
Appreciated naman daw ‘yun ni Nadine na may fans ding nagpayo dito na maging maingat sa pagtanggap sa mga nagpapakilalang fans ng ibang loveteam.
Ito raw kasi ‘yung mga fans na sa simula ay sobrang maingay pero kapag daw nararamdaman nilang may mga bagong nakakasabay o nakakaungos sa idolo nila eh, biglang magbabago ng ihip ng suporta.
Weehhh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.