SPOTLIGHT: Hindi naman'yan pinaplano -- ZSA ZSA | Bandera

SPOTLIGHT: Hindi naman’yan pinaplano — ZSA ZSA

- November 12, 2012 - 04:48 PM

Kung iibig pa ba siyang muli:

KUNG makikita mo ngayon ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ay mapapaisip ka talaga kung ganoon nga ba ang itsura ng isang nagluluksang biyuda dahil talagang nagniningning ang kanyang itsura.

Sigurado naman kami na nagdadalamhati pa rin si Zsa Zsa dahil araw-araw niyang nami-miss ang kanyang “Lovey,” ang  yumaong Comedy King Dolphy.

Masarap kakuwentuhan si Zsa Zsa dahil isa siya sa mga kakilala namin na mayroong lalim.

Totoong inihuli ni Tito Dolphy ang pinakanatatangi babae sa buhay niya.

Ano ang plano mo para sa All Saints’ Day? Ito ang unang pagkakataon na wala ang iyong Lovey?
Mangingibang-bansa ako, pero may plano ang pamilya para kay Dolphy.

Dahil nga malaki kaming pamilya, iba-iba ang iskedyul namin sa pagbisita sa  puntod niya.

Napapanaginipan mo pa ba siya?
Kapag hinihiling ko lang na “Gusto kitang makita.” Ngunit nitong mga nagdaang araw, hindi ko na siya napapanaginipan.

Siguro dahil umiiyak ako kapag nagising na ako matapos managinip kaya hindi na siya nagpapakita sa aking mga panaginip. Ayaw niya na nakikita akong umiiyak.

Paano pa niya pinaparamdam ang kanyang presence?
Nang nag-abroad kami kamakailan ni Zia, isa sa mga paborito niyang kanta na “What a Wonderful World,” ang bigla na lamang tinugtog.

Napangiti ako dahil ito ang paraan niya para sabihin na nasa paligid lamang siya.

May plano ka pa bang umibig muli?
Hindi naman ‘yan pinaplano.

Dumarating na lang.

Bukod dito, kung sakaling dumating ang bagong lalake, talagang malaking sapatos ang kanyang pupunan.

Dapat niyang maintindihan na si Dolphy ay mananatiling parte ng aking buhay.

Ngayon na may tattoo ako na “Lovey,” baka itaboy na ang mga gustong manligaw (sabay tawa). Sa ngayon, masaya ko na nasa tabi ko ang alaga kong aso.

Ano ang pinakamahirap sa pagpapalaki ng iyong mga anak na babae ngayong wala na si Dolphy?
Maswerte ako at ang aking mga anak na babae ang pinagkukunan ko ng aking lakas.

May mga pagkakataon na imbes na ako ang mag-alaga sa kanila, sila ang nag-aalaga sa akin.

Kung kumilos sila, para na silang nanay.

Ginagawa namin ngayon ni Zia ang isang duet album.

Kasama ang kantang sinulat ko para kay Dolphy na “I Turn to You.”

Kinanta ko ito nang nabubuhay pa siya.

Nagbukas naman si Karylle ng kanyang ikatlong branch ng Centerstage sa Mall of Asia.

Sinabi ko sa kanya na dalasan niya ang pag-arte dahil mas tumatagal ang mga artista sa showbiz kaysa sa mga singers.…kagaya ko, pwede akong gumanap bilang lola pero ang boses ko tatanda rin.

Kahit na ang pagkanta ang passion ko sa habambuhay, hindi magiging pareho ang boses ko noong nag-uumpisa pa lamang ako.

Ano ang pakiramdam mo na wala ka nang kanser?
Talagang close call iyon.

Walang duda na binulungan ni Dolphy ang Panginoon na pagalingin ako.

Naisip ko na hindi lang ang ating kinakain, kundi kung ano ang kumakain sa atin ang mahalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya, umiiwas ako sa lahat ng klase ng negativity.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending