Pag-aaral o BF? | Bandera

Pag-aaral o BF?

Pher Mendoza - December 04, 2015 - 03:00 AM

MANANG, ako po si Priscilla, 18 years old at taga baranggay Bankal, Cebu City.

May boyfriend po ako, magto-two years na. Mahal ko po syang talaga. Kasawiang p-alad eh ako po ang may problema, hindi po kasi ako naniniwala sa forever base na rin sa experience ko sa pa-milya ko, kaya madali lng sakin ang makipaghiwalay sa kanya pero ayaw nya, iyak siya nang iyak . Kaya hindi ko rin masabing nag-break kami dail binawi ko rin agad.

Hindiya siya tanggap ng pamilya ko dahil bata pa ho ako. Ang masama pa nun ay pinapipili pa ako kung magtutuloy ako sa pag-aaral o ang BF ko.

Mahal ko ho siya pero mahal ko rin ang pag-aaral. Ang kinatatakutan ko ay baka kung anong gawin sa sarili nya, kasi minsan nang may ginawa ang BF ko sa sarili niya. Ano ho ba ang pipiliin ko talaga?
Hello Priscilla! Sabi nga there’s no easy way to break somebody’s heart and I hope huwag kang masanay at maging napakadali lamang ito para sa’yo. Tandaan may karma… Para sa akin tama na mas pinili mo ang pag-aaral mo dahil kung mahal ka talaga ng BF mo ay maiintindihin n’ya iyon. Ang love na totoo ay maghihintay at magpapaubaya.

Huwag magpadala sa threats o pananakot niya. Mainam kung kausapin mo ang mga magulang o kaibigan niya para s’ya ay maalalayan sa kung ano man ang pwedeng mangyari.

Ultimately, you are not responsible for his actions. His actions are his own. Just talk to him and explain why you need to break up with him.

Tulungan mo s’yang matanggap iyon at huwag mo naman s’yang balewalain na para bang hindi mo na s’ya kilala. All you need is to be gentle and act with compassion, but also firm in your decision. I wish you all the best!

Ang payo ng tropa:

Hi Priscilla,

Bilib din ako sa ‘yo, mahirap magkipag break kapag talagang mahal mo ang isang tao. Pero mas ok na pinili mo ang pag-aaral mo kasi batang-bata ka pa naman. Mas magiging masaya ang mga magulang mo kung mag-aaral ka munang mabuti.

Lahat naman ng problema ay may solu-syon, ang mahalaga lang ay maging tapat ka sa BF mo, i- explain mo sa kanya ang reason kung bakit kailangan mong makipag- break sa kanya.

I’m sure, later on mauunawaan din niya ang lahat, basta explain mo sa kanya ng maayos. Hindi naman siguro siya makakaaisip ng masama para sa kanyang sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon kung hanggang makapag tapos kayo at mahal nyo pa rin ang isa’t-isa puwedeng puwede naman kayong magbalikan, mas maganda at magiging maayos pa ang buhay nyo kung pareho na kayong stable.
Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending