Yaya Dub naghahanda na sa mas matinding laban nila ni Alden | Bandera

Yaya Dub naghahanda na sa mas matinding laban nila ni Alden

Cristy Fermin - December 04, 2015 - 03:00 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

MARAMING kumokontra sa pagpasok ni Maine Mendoza sa seryeng pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon, ang Princess In The Palace, sayang na sayang daw ang pagkakataon dahil parang isa lang naman sa marami si Yaya Dub.

Sana raw ay naghintay na lang ang mga taong nag-aalaga sa kanyang career ng mas magandang oportunidad, ‘yung talagang siya ang bumibida, hindi tulad ng role niya bilang chef sa serye ng child star.

Pero siguradong alam ng TAPE, Inc. ang kanilang ginagawa para kay Yaya Dub, higit kaninuman ay sila ang nakasusukat kung saan lang muna ang kanilang alaga, sinasanay muna siguro nila si Maine bago isalang sa mas malaking proyektong siya na talaga ang bumibida.

Sa ngayon kasi ay hindi pa gaanong nahahasa sa pagganap si Maine, meron pang kulang sa kanya, kaya ano ba ang makagagamot du’n kundi ang isama muna siya sa mga programa kung saan siya matututo ng tamang acting. Nakilala si Maine sa pagda-dubsmash, wala nang kuwestiyon ang husay niya sa ganu’ng linya, pasado siya bilang komedyana pero sa seryosong pagganap ay tanggapin natin ang katotohanan na kulang pa siya.

Kailangan siyang ma-kisabay kay Alden Richards na sa isang pitik lang ng daliri ay nakaiiyak na, hasang-hasa na kasi ang Pambansang Bae, puwede na itong ilaban sa kahit sino diyan.
Sabi nga ni Lola Nidora, ang lahat ay nangyayari sa tamang panahon, ang pagbibida ni Yaya Dub ay hindi malayong mangyari dahil ihinahanda na ng TAPE, Inc. ang dalaga sa mas malaking laban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending