Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Bohol kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:20 ng umaga. Ang sentro nito ay 25 kilometro sa kanluran ng Tagbilaran City at may lalim na siyam kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Tagbilaran City, bayan ng Loon at Maribojoc sa Bohol at Argao sa Cebu. Intensity II naman sa Dalaguete, Cebu.
Wala namang inaasahang aftershock ang lindol na ito na sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.