Rafael kay Gabby: Isa na siyang living legend! | Bandera

Rafael kay Gabby: Isa na siyang living legend!

Ervin Santiago - December 03, 2015 - 02:00 AM

gabby concepcion

HANGGANG ngayon ay starstruck pa rin si Rafael Rosell kapag kaharap at kaeksena si Gabby Concepcion sa GMA Telebabad series na Because Of You na nagsimula na nga last Monday.

Itinuturing na kasing icon ni Rafael ang tatay ni KC Concepcion dahil bata pa lang siya ay talagang idol na niya si Gabo. Marami rin siyang napanood na pelikula ng aktor noon kaya nang malaman niyang makakasama siya sa first ever teleserye nito sa GMA ay talagang nag-goosebumps siya.

Nang makachikahan nga namin siya kamakailan ay talagang naramdaman namin ang sobrang excitement ni Rafael na makatrabaho si Gabby sa Because Of You kung saan ginagampanan niya ang runaway groom ni Carla Abellana.

“Actually, hindi lang siya icon. Para sa akin, legend! I’m still in shock. Ina-absorb ko pa rin siya dahil para sa akin, isang living legend talaga si Gabby,” ang pahayag ng Kapuso hunk acktor.

Sey pa ng binata, talagang pinaghahandaan niya palagi ang ta-ping nila sa Because Of You dahil ayaw niyang maging cause of delay sa set, ayaw daw niyang mapahiya kina Gabby at Carla at sa iba pa nilang kasamahan sa serye.

Sa pagsisimula ng serye noong Lunes, sinabi ni Rafael na dapat ay wala silang mapalagpas na episode ng programa dahil every night daw ay may “pasabog” ang kanilang mga karakter, “Very light lang siya,

may kaunting kurot sa puso. May kaun-ting kiliti. Pero hindi siya drama para pagtulog mo sa gabi, happy ka pa rin.” Samantala, muling pumirma ng 3-year exclusive contract ang tinaguriang environmental advocate sa GMA Network kamakailan.

Ibig sabihin bukod sa primetime series na Because Of You, mas marami pang gagawing proyekto ang hunk actor sa Kapuso network. Present during the contract signing were GMA Chairman and CEO Felipe L. Gozon, Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Drama Redgie A. Magno, Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy at ang manager ng aktor na si Popoy Caritativo.

Ayon mismo kay Atty. Gozon, naniniwala siya sa kakayahan ni Rafael at dapat lang na manatili ito bilang Kapuso sa mga susunod pang taon, “He’s a welcome addition to our stable of very good artists.”

Reaksiyon naman ng aktor, “I’m super honoured and grateful because they keep trusting me with different projects. Alagang-alaga ako dito and I don’t doubt my future ditosa GMA. Ngayon, I’m excited for the next three years to come.”

Hirit pa ng binata, “Maraming exposure dito, maraming iba’t ibang roles na nabigay pero I think I have more to give that’s why they signed me for a-nother contract.” Dagdag ni Rafael sana raw sa susunod na mga proyekto niya sa GMA ay, “Makaganap ako ng different types of personalities like an off cha-racter na medyo sira ulo or something na hindi ko pa nagagawa sa TV, something like psycho.”

In fairness, sa unang episode pa lang Because Of You ay agad na itong nag-trending sa social media at maganda rin ang naging rating ng pilot episode nito. And take note, puring-puri ng netizens ang acting ni Carla sa serye na kering-keri na raw talagang magpatawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang nagsasabing maganda ang chemistry nina Gabby, Carla at Rafael kaya aliw na aliw ang viewers. Sabi nga ng isang netizen, “Sana mas marami pang palabas sa TV na tulad ng Because Of You, magaan lang sa dibdib, kikiligin ka lang at tatawa.

Masarap matulog pagka-tapos hindi tulad ng iba na puro problema, puro kidnapan, puro patayan at sigawan nang sigawan!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending