Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
3:30 p.m. UST vs FEU
(Game 3, best-of-three Finals)
PAREHONG gutom sa kampeonato ang University of Santo Tomas at Far Eastern University.
At ngayon ay pareho silang may pagkakataon na makuha ang inaasam na titulo sa winner-take-all match ng UAAP men’s basketball championship umpisa alas-3:30 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena.
“We’re going all out,” sabi ni UST forward Kevin Ferrer. “We’re giving it our all in this one game.”Alam ng Tigers at ng Tamaraws ang pakiramdam kung paano matalo sa isang Game Three sa UAAP Finals.
Natalo ang UST sa overtime sa ikatlong laro ng Finals series noong 2013 habang ang FEU ay may 1-0 kalamangan din sa serye noong isang taon nang biguin sila ng National University, 2-1.
Kaya naman pipilitin ng dalawang koponang ito na manalo ngayon at huwag nang umuwing luhaan pa. “The goal is to have a different outcome,” sabi ni FEU coach Nash Racela. “[My players] are veterans. I’m sure they’ll come backs stronger.”
Para kay UST coach Bong dela Cruz, tabla lang ang tsansa ng mga koponan sa seryeng ito at mananaig lang kung sino ang mas matatag sa end game. “Everybody’s tired, so we need mental toughness in the end game,” sabi ni Dela Cruz.
Nagwagi ang FEU sa Game One, 75-64, ngunit tumabla ang UST sa Game Two, 62-56. “Our game plan is to play good defense against FEU because they outrebound us every game,” dagdag pa ni Dela Cruz.
Nangako naman si Racela na maglalaro ng mas maigi ang Tamaraws sa Game 3 at babawi sa malamyang 27.12 percent field goal shooting nito sa Game Two.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.