Ika-152 kaarawan ni Bonifacio ginunita sa pamamagitan ng protesta
MAHIGIT 500 mga militante ang nagprotesta para gunitain ang ika-152 kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio.
Nagtipon ang mga militante sa Rizal ave. sa kanto ng Recto ave. sa Maynila kung saan kabilang sa mga isyu na tinalakay nila ay ang P125 across-the-board wage increase, pagbasura sa Asia Pacific Economic Cooperation (Apec), at ang pag-alis sa contractualization employment scheme.
Nagsuot ang mga nagprotesta ng pulang mga panyo sa kanilang leeg kagaya nang isinuot ng mga miyembro ng Katipunan ni Bonifacio.
Ayon sa mga nagprotesta, kung nabubuhay lamang si Bonifacio, tiyak nilang sasali ito sa mga protesta sa mga kalsada para manawagan para sa patas na pasahod, at maayos na kondisyon ng mga manggagawa.
“One hundred fifty-two years after Bonifcaio was born, Filipino workers are suffering from worsening hunger, poverty, and indebtedness as a result of starvation of wages,” sabi ni Kilusang Mayo Uno chair Elmer Labog.
Binatikos din ng mga nagprotesta ang isinagawang Apec sa bansa.
“The Philippines continue to be treated as a colony of big foreign powers,” dagdag ni Labog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.