‘A Second Chance’ nina John Lloyd at Bea babala sa mga mag-asawa | Bandera

‘A Second Chance’ nina John Lloyd at Bea babala sa mga mag-asawa

Ambet Nabus - November 29, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

TAMA si direk Cathy Garcia-Molina na ibang-iba na ang ginawa niyang atake sa part 2 ng “One More Chance”, ang hit movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na mas lalong nagpatingkad sa kanilang loveteam bilang sina Basha at Popoy.

Humahataw ngayon sa mga sinehan ang latest offering ng Star Cinema na “A Second Chance” at hindi imposibleng malagpasan pa nito ang kinita ng “One More Chance” noon. Para sa amin, hindi nawala ang magic at karisma ng dalawa na after eight years nga ay mas nag-mature na bilang mga aktor.

Habang pinanonood mo ang movie ay paulit-ulit mong itatanong kung never ba talaga na naging sila sa totoong buhay? We saw the film on its first day of showing at kahit last full show na ‘yung screening na nakuha namin due to the many people wanting to watch it, punumpuno pa rin ito at first time nga naming nakaupo sa halos gilid na ng sinehan.

We enjoyed the movie na sumentro sa buhay may-asawa nina Basha at Popoy – ang mga challenges na pinagdaanan nila, mula sa pagbagsak ng kanilang negosyo hanggang sa pagkawala ng kanilang first baby, very mature, very updated, very timely ang pagkaka-portray nina John Lloyd at Bea.

Sabi nga namin, parang isang babala ito sa mga mag-asawa at balak nang mag-asawa. Ha-hahaha!
Although may napuna kaming konting lapses sa story-telling, nawawala lahat ‘yun everytime na nakikita namin ang very sympathetic characters ng dalawa at iba pang kasama nila sa movie.

Gandang-ganda kami talaga kay Bea, who for us is the one that tries her best to make it a worthwhile part two. Ang karakter niya ang tumi-timon sa bawat madadramang eksena para lumabas ang karakter ni Popoy na super effective ding nagampanan ni John Lloyd, na dedma sa kanyang itsura, lalo na sa kanyang katawan and yet, bumagay pa rin sa strong appeal ni Bea.

Best actress si Bea sa lahat ng eksena niya dahil buong-buo ang kanyang karakter. And yes, napaka-seksi rin niya sa movie lalo na noong gabing plano niyang akitin si John Lloyd pero dumating naman itong lasing.

Mga singhot at hikbi lang ang maririnig ninyo sa loob ng sinehan, pero may mga eksena ring tatawa ka dahil sa mga karakter nina Janus del Prado at Bea Saw.

Worth the wait ang “A Second Chance” na hindi malayong masundan pa ng part 3 dahil makapal pa ang materyal ng pagiging mag-asawa nina Popoy at Basha.

No wonder na umabot na raw sa mahigit P50 million on its second day of showing ang “A Second Chance” at malamang na wasakin pa nito ang ilang box-office record.

Congrats sa Star Cinema at kina tugang-kumare direk Cathy Garcia Molina. Hindi nasayang ang aming paghihintay, ang aming panahon at pera sa bonggang obra na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending