Ang ating insensitive President | Bandera

Ang ating insensitive President

Ramon Tulfo - November 26, 2015 - 03:00 AM

NAIPALABAS ng Public Attorneys’ Office (PAO) sa kulungan ang 40 katao na inaresto at kinasuhan matapos diumano makitaan ng balas a kanilang mga bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mga 20 sa mga natulungan ng PAO na maka-labas sa kulungan ay seamen na patungo sa kani-kanilang mga destina-syon sa ibang bansa.

Ang PAO ay pina-ngungunahan ni Atty. Persida Acosta na may puso na kasing-ganda ng kanyang mukha.

Sa kanyang depensa sa mga 40 akusado, sinabi ni Acosta na walang intensiyong manakit ng ibang tao ang mga nasasakdal kung totoo man na hindi “planted” ang bala sa kanilang mga bagahe.

Pinahiya niya ang ilang Pasay City piskal na dapat ay dinismis ang kaso kung gumamit lang sila ng kanilang sentido komon.

Itinuro ng mga nasabing piskal ang batas tungkol sa illegal possession of ammunition; isang bala man o 10,000 bala ang nakita sa iyong pag-aari ay pareho lang ang kaparusahan.

Bullshit na batas yan dahil hindi isinaalang-alang ang dahilan ng taong nadakip kung bakit siya may bala sa kanyang bagahe o katawan: Maaaring may paniniwala siya na proteksiyon ang bala sa kulam o aswang.

Ilan sa mga nahuli sa NAIA ay may dalang bala na hindi na puputok dahil wala nang pulbura ang mga ito at hindi na puputok.

Sa kaso ni Pastor Lane Michael White, na inaresto at kinulong ma-tapos makitaan daw ng bala sa kanyang bagahe, tinanong ba ng magaling na piskal ang kanyang sarili kung bakit ang isang missionary na papuntang Coron, Palawan upang ikalat ang Salita ng Diyos ay may dalang bala?

Napakabobo naman ng piskal na yan!

Insensitive o walang pakialam sa problema ng ibang tao si Pangulong Noynoy.

Tinuligsa siya dahil sa kanyang sinabi na ginawang sensational ng media ang mga ulat tungkol sa “tanim-bala” sa NAIA.

Parang may sariling mundo si P-Noynoy.

Pero anong maaasahan mo sa kanya?

Noong siya’y teenager pa, nagliliwaliw siya ng kanyang mga kabarkada at parang wala siyang pakialam habang ang kanyang tatay na si Sen. Ninoy Aquino ay nasa bilangguan sa Fort Magsaysay noong martial law.

Kung wala siyang pakialam sa pagkakakulong ng kanyang tatay, ano pa kaya sa mga taong wala naman siyang karela-relasyon?

Natagpuan patay si Oscar Gali, 28 anyos, na may problema sa pag-iisip, matapos siyang i-turn over ng security guard na si William Hernandez sa mga pulis-Imus sa Cavite.

Si Gali ay nakitang pagala-gala ng isang pastor sa labas ng simbahan at dinala sa Pacific Terraces village kung saan siya nakatira.

Inentriga si Gali ng pastor kay Hernandez.

Hindi kilala ni Hernandez si Gali na nakatira sa nasabing village, kaya’t binigay ang huli sa kustodiya ng mga barangay officials ng Carsadang Bago, Imus.

Sa pag-aakala na magnanakaw si Gali, ibinigay naman ng mga barangay officials si Gali sa mga pulis.

Ang totoo niyan, si Gali ay nawalan ng matinong pag-iisip matapos na maholdup ito ng dalawang beses, sabi ng kanyang mga kamag-anak.

Sinundo nina SPO1 Danilo Paredes, PO3 Roberto dela Cruz, PO1 Jeffrey Amada at mga sibilyan na sina Jaypee Paredes at Jomar Onate sa barangay hall.

Matapos ang isang linggo, natagpuang patay si Gali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon, sino ang pumaslang kay Gali na ang kasalanan lang ay may kapansanan sa pag-iisip?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending