P33 bawas sa kada tangke ng LPG
Magbabawas ng P3 kada kilo o P33 kada regular na tangke ng liquefied petroleum gas ang mga miyembro ng LPG Marketers’ Association.
Ayon kay LPGMA Rep. Arnel Ty ang bawat 11-kilong tangke na ibinebenta ng kanilang grupo ay nagkakahalaga na lamang ng P460.
“The downward pressure on the prices is still there, because global crude oil production continues to outpace consumption,” ani Ty.
Sinabi ni Ty na hinihintay ng kanilang grupo ang pagpasa ng Kongreso ng panukalang batas upang masiguro na ligtas ang mga tangke ng LPG na ginagamit sa bansa.
Naipasa na ang panukala sa Kamara de Representantes subalit hindi pa ito naaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.