Hirit ni Roxas: Ako ang unang nag-MRT, yung iba gumaya lang | Bandera

Hirit ni Roxas: Ako ang unang nag-MRT, yung iba gumaya lang

Leifbilly Begas - November 25, 2015 - 05:05 PM

binay-poe-roxas
Bago pa man nagsakayan ang mga pulitiko sa problema ng Metro Rail Transit, sumasakay na rito sa pagpasok sa trabaho ng presidential aspirant ng Daang Matuwid na si Mar Roxas.
Sa Meet the Inquirer Multi Media forum, muling napag-usapan ang pagsakay ni Roxas sa MRT noong siya ay kalihim pa ng Department of Trade and Industry sa ilalim ng Estrada administration.
“Tayo yung pinakaunang sumasakay sa MRT marami dyan kumopya na lang eh. Tayo yung tunay,” ani Roxas na nasundan ng tawanan ng audience.
Iginiit din nito na ang ginawa niyang pagsakay sa MRT noon ay hindi gimik, kundi mapadali ang biyahe mula sa bahay niya sa Cubao patungong tanggapan ng DTI sa Buendia, Makati City.

“Pero hindi gimik ito no dahil totoo naman nakatira ako sa Cubao, may (MRT) Cubao station yung DTI nasa Buendia station. Hindi ko ginagamit ito pang gimik o pakitang tao, it is really an efficient way to go to work,” ani Roxas.
Sinabi ni Roxas na hindi na siya sumasakay ng MRT noong siya ay naging kalihim ng Department of Transportation and Communication at kapag pumupunta sa Camp Crame bilang Interior and Local Government secretary dahil ang sasabihin naman ‘oh sumakay pa ng MRT to anlapit-lapit ng opisina’.
Matatandaan na pinuri ng social media si Sen. Grace Poe, na makakalaban ni Roxas sa 2016 elections, nang sumakay ito ng MRT sa kasagsagan ng mga reklamo sa masamang serbisyo nito.
Ayon kay Roxas ang nakilalang Mr. Palengke noong 2004 ay siya pa ring parehong tao na nakikita natin ngayon.
“Wala namang pagbabago, it’s the same guy,” dagdag pa niya.
Si Roxas ay nanguna sa senatorial elections noong 2004 kung saan siya nakakuha ng 19 milyong boto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending