Andi ginahasa ng 5 adik, tinortyur sa ‘Angela Markado’: Madugo siya!
SPEAKING of Carlo Caparas, excited kaming mapanood ang kanyang bagong obra, ang 2015 version ng classic Hilda Koronel movie na “Angela Markado” na pagbibidahan ngayon ni Andi Eigenmann. Una itong idinirek ni Lino Brocka base na rin sa nobela ni direk Carlo sa komiks.
Kahapon sa grand presscon ng pelikula, todo ang papuri si Carlo Caparas kay Andi na game na game raw na ginawa ang lahat ng mahihirap at madudugong eksena, lalo na ang ginawang panggagahasa at pag-torture sa kanya ng kanyang limang rapists.
Sey ng award-winning and blockbuster director, “No offense meant sa mga youngstars natin ngayon, ha, pero gusto ko lang sabihin na walang perfect gumanap sa role ni Angela Markado kundi si Andi lang.
Aside from being a good actress, she’s very professional at wala siyang arte, lahat ng eksenang kailangan sa pelikula, ginawa niya, at walang double.”
Of course, very thankful si Andi sa mga magagandang salita sa kanya ni direk Carlo, “Ako naman kasi, ginagawa ko lang ang trabaho ko, tinanggap ko ang project na ito kaya dapat panindigan ko. Actually, mahirap siya, aside du’n sa emotions na kailangan mong ipakita, napakahirap din ng action stunts. And ang hahaba ng mga eksena.”
Sey pa ni Andi, naging very supportive rin ang rapists niya sa movie na ginagampanan nina Epy Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, Polo Ravales at CJ Caparas, “You know what, we had so much fun shooting that rape scene, hindi nila ako pinabayaan. Actually, naging magtotropa na kaming anim. Matagal na naman talaga na magkakatropa kami. Pero sa set namin ngayon, ang saya.”
Hindi rin daw maiiwasan na masaktan o masugatan si Andi sa kanyang rape scenes, “Hindi naman maiiwasan yun, hinanda ko na ang sarili ko. Medyo may mga aksidente, like yung nadadapa, but nothing major naman talaga.”
Kasama rin sa “Angela Markaado” sina Anna Roces, Marita Zobel, Bret Jackson, Bembol Rocco, Mika dela Cruz, Buboy Villar, Bugoy Carino, Ysabelle Peach, with the special participation of Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta and PETA actress Kayla Acosta.
Ito ay sa ilalim ng Oro De Siete Productions at Viva Films. Showing na ang “Angela Markado” nationwide sa mga sinehan sa Dec. 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.