In love sa ka-eskuwela (2) | Bandera

In love sa ka-eskuwela (2)

Joseph Greenfield - November 24, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Liezel  ng Don Basco Road, Labagon, Cebu City
Problema:
1. May ka-classmate ako na tawagin na lang nating Aldryn na laging nakatingin sa akin. Hindi ko siya masyadong kakilala kaya hindi kami magka-close, pero simula ng first day of classes pa lang pansin kong lagi na siyang nakatitig sa akin at kapag nagtatama ang aming mata, mabilis nya iyong bi-nabawi para huwag kong mahalata na tingin siya ng tingin sa akin.
2. Sa ngayon parang nagkakagusto na ako sa kanya. Ang problema ay hindi naman niya ako kinakausap, silent type kasi siya at mahiyain, pero matalino. Ano ba ang dapat kong gawin, para kausapin nya na ako hindi iyong puro tingin lang siya ng tingin. May possibility kaya na maging boyfriend ko siya, kasi habang tumatagal parang feeling ko sa katititig niya sa akin ay parang na i-in love na rin ako sa kanya. January 10, 1996 ang birthday ko at September 7, 1996 naman ang birthday ni Aldryn.
Umaasa,
Liezel ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) at Virgo naman ang lalaking ti-tig ng titig sa iyo ay nagsasabing compatible kayong dalawa, kaya habang umuusad ang bawat araw sa loob ng classroom at patuloy kayong nagkikita at nagkakatitigan, hindi maiiwasang tuluyan na ring mabubuo ang isang wagas at matimyas na relasyon.

Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing nasa iyo ang unang initiative upang magkausap kayong dalawa, dahil kung aasahan mo ang birth date nyang 7 na isang likas na topre at mahiyaing lalaki, tiyak na walang mangyayari. Kaya tulad ng naipaliwanag na, nasa iyo ang pasya upang gumawa ng paraan upang magkausap kayong dalawa ng sarilinan. At sa sandaling nangyari iyon, tuloy-tuloy ng nga mabubuo ang isang wagas at pang habang buhay na relasyon.
Luscher Color Test:
Siguraduhin mo lang na sa una ninyong pag-uusap nakasuot ka dapat ng damit na kulay dilaw upang minsan pa, lalo siyang ma-attract, humanga at magka-gusto sa iyo.
Huling payo at paalala:
Liezel ayon sa iyong kapalaran, lilipas ang taong 2015 hindi kayo magkakaroon ng ugnayan. Ngunit sa darating na taong 2016 sa buwan ng Pebrero sigurado na ang magaanap, alin sa dalawa kung gagawa ka ng unang step o hakbang u-pang kayo ay maging aktuwal ng magkaibigan, bibilis ang pangyayari, at sa sandaling nagkausap kayo, ang tadhana na ang kusang maglalapit sa inyong mga puso upang tuloy-tuloy ng mabuo ang isang matimyas at wagas na relasyon hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending