Kathryn humingi ng basbas sa INC bago inendorso si Mar; di totoong itiniwalag | Bandera

Kathryn humingi ng basbas sa INC bago inendorso si Mar; di totoong itiniwalag

Reggee Bonoan - November 24, 2015 - 02:00 AM

mar roxas

Kung alanganin pa si Vice Ganda kung susuportahan niya si Mar Roxas sa kandidatura nito sa 2016 ay sure na sure na si Kathryn Bernardo sa pag-endorso sa mister ni Korina Sanchez-Roxas.

Lumabas na ang online video ni Kathryn noong Sabado na naglalaman ng pagsuporta nito kay Mar na kaagad namang nai-post sa social media. As expected, hati ang puso ng KathNiel fans sa naging desisyon ni Kathryn.

Pero mas marami kaming nabasang positibong reaksiyon sa desisyon ng batang aktres. Sa madaling salita, buo ang suporta ng KathNiel kay Mar Roxas.

Maraming nagtatanong kung may blessing ba ng Iglesia Ni Cristo ang pag-endorso ni Kathryn kay Mar dahil wala pa naman daw inaanunsyo ang pamunuan ng INC kung sino ang presidentiablen na ieendorso nito. Alam ng lahat na INC member si Kathryn.

May nagsabi na baka raw “tiwalag” na si Kathryn sa INC kaya malaya na siyang makapag-endorso ng kandidato sa 2016 election. May nagkuwento na humingi ng payo ang mommy ni Kath na si Gng. Mhin Bernardo sa taga-Central Office ng INC, “Actually nagtanong naman ang mommy ni Kathryn kung paano ang gagawin at pinayuhan siya na magpaalam.

Siguro binigyan na ng basbas.” Anyway, bukod kina Daniel at Kathryn ay nagpahayag na rin ng suporta kay Mar ang mga celebrities na sina Prats, Billy Crawford, Jay-R, Kris Lawrence, Ramon Bautista, Carla Abellana, Karylle, Jason Francisco, Melai Cantiveros, Chokoleit at James Yap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending