Marian nanganak na; buong araw nag-labor | Bandera

Marian nanganak na; buong araw nag-labor

Ervin Santiago |November 23,2015
facebook
share this

Marian nanganak na; buong araw nag-labor

Ervin Santiago - November 23, 2015 - 02:15 PM

marian rivera

ISANG bouncing baby girl (6.9 lbs) ang isinilang ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kaninang madaling araw sa Makati Medical Center sa pamamagitan ng normal delivery.

Finally, nanay at tatay na nga sina Marian at Dingdong Dantes. Pinangalanan nila ang kanilang first baby na Maria Letizia na ipinanganak eksaktong 5:25 a.m. kahapon. Ayon kay Dingdong, maayos na maayos naman ang kalagayan ni Baby Maria at nagpapasalamat din siya sa Diyos at sa lahat ng nagdasal para sa kanyang mag-ina, lalo na sa kanyang misis na halos buong araw daw nag-labor. Siyempre, hindi talaga iniwan ng Kapuso Primetime King ang kanyang misis magmula nang mag-labor ito hanggang sa maipangangak ang kanilang panganay. Napag-alaman din namin na bumilib ang doktor at mga nurse sa Makati Medical Center kay Marian dahil ilang oras lang matapos siyang manganak ay parang wala lang nangyari, maayos na rin daw siyang  nakausap ng kanyang pamilya.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending