Hamon kay SHARON: Ilantad na ang mga lihim ni PIOLO PASCUAL! | Bandera

Hamon kay SHARON: Ilantad na ang mga lihim ni PIOLO PASCUAL!

- November 06, 2012 - 12:25 PM

Tigilan na raw ang ginagawang pagbabanta

Sana mag-quit na ng Twitter si Sharon Cuneta.

Maraming sikat na artista tulad nina Judy Ann Santos, Marian Rivera and Nora Aunor ang ayaw mag-Twitter dahil alam na nila ang “danger” nito.

Si Pauleen Luna, isa sa mga naunang artista na nag-Twitter, nang nakaramdam na siya ng “init” sa loob, she left and never returned. Gov. Vilma Santos we were told do Twitter na but she’d rather go invisible.

Ang point namin, hindi para sa lahat ang Twitter and surely, hindi ito para sa Megastar.

Hindi namin siya pinangungunahan pero several times nang napaaway ang Megastar sa Twitter.

Lagi siyang pumapatol sa mga nambabastos sa pamilya niya always assuming it’s from Piolo Pascual’s fans, ang ex ng kanyang anak na si KC Concepcion.

Palagi niyang sinasabi na “don’t push” them or ilalabas nila ang alam nila about the top ABS actor, hinting of a damaging text.

Bakit hindi niya ito ilabas at matahimik ang lahat saka mag-quit sa Twitter world.It’s so easy: expose everything and leave the social networking site altogether; hindi ‘yung puro threat.

Kami, ilang beses na naming nabasa yun na nagtitimpi lang sila ni KC.

Huwag nang magtimpi at ilabas na and then quit.

We heard kasi, twice na siyang sinabihan ng TV5/Viva to stop and twice na siyang nag-promise to abide pero diretso pa rin siya at a single basher’s tweet.

Hindi maganda for her that she’s always going down the level of the bashers makasagot lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na maganda sa image niya and we’re writing this with so much care for the Mega, ha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending